Walang pera/ipon pampa anak(wag na mag comment pag nega lang pls)
Hi Mommies, first time ko po as a mommy currently pregnant at 30 weeks and 6 days. Wala trabaho dahil tinaggal sa work dahil sa selan mag buntis. Ngayon dependent ako sa tatay ng anak ko. Kanina nag uusap kami, akala ko nag iipon siya para sa panganganak ko tapos wala pa pala nasisimulan. Even gamit ng baby namin wala pa kami nabibili buti nalang may nag abot ng hand me downs na damit. Normal lang ba makaramdam ka ng awa sa sarili mo kasi di ka na katulad ng dati na capable mag provide sa needs ko? At dahil dependent na ako sa tatay ng anak ko okay lang ba mag demand ako nahihiya kasi ako humingi sakanya lalo na siya na nag take over ng bills simula nag kasakit ako dahil sa pag bbuntis. May makukuha naman pong sss benefit kaso pag ka panganak pa. Meron po ba kayong suggestion na pde makatulong sakin para ma improve situation ko? Thank you po.#pleasehelp #firsttimemom #advicepls