Anu ano mga ginawa nyo nung alam nyong manganganak na kayo mga mommies?

Hi mommies, excited na kasi ako kaya piniprepare ko na sarili ko. 2 weeks na lang kasi pwede na lumabas si baby. Anu ano mga ginawa nyo nung naramdaman nyong manganganak na kayo? Ayoko kasi magpanic. Nakaready na din naman gamit namin. Medyo worried lang kasi ko sa layo ng hospital samin, mga 30mins ang byahe. Di naman siguro ako aanak kagad nun pag pumutok panubigan? πŸ˜… Tapos mommy, nakaligo at nakapag ayos pa ba kayo ng time na yun? Anung suot nyo pagpunta sa ospital? Need ba nakaadult diaper na or kahit napkin lang para di lang magdumi upuan ng sasakyan? Haha. Sorry yan kasi mga naiisip ko kung pano gagawin pag dumating na yung oras na aanak na ko. Please pashare naman po ng stories ng mga nanganak na mommies na dito. Thank you. ❀️❀️❀️#1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby

Anu ano mga ginawa nyo nung alam nyong manganganak na kayo mga mommies?
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag nramdaman nyu na po na mnganganak na kau or meju may sign na maligo na kau depende prin sa sitwasyon wag mataranta relax lang po dapat., magsuot na dress or bsta madaling tanggalin na damit kase magpapalit kau sa ospital, wag na masusuot ng diaper tatanggalin nla yan dun at sshave nila ung anu mo., wag kalimutan sa lahat facemask., pagdating dun kung d maselan antigen gagawin nla sau or kapag maselan dapat swab test result dala nyu.. 😊😊

Magbasa pa
2y ago

Salamat mommy. Malaking tulong po itong shinare nyo po sakin. 😊

Ako nung nanganak sakto check up ko kaya nakaayos ako. No need po ng adult diaper kasi pag nasa ospital kayo magsusuot lang kayo ng hospital gown wala kayong pangloob. Ni-ready ko lang dn sarili ko at pinag pray ko lang kung ano man mangyari samin ni baby. Wala akong kabang naramdaman during labor at delivery. Smooth lahat. Pray lang kay Lord.

Magbasa pa
2y ago

Salamat mommy. 😘