Hair problem ๐Ÿ˜…

Hello mommies. Di ko sure kung normal lang or dapat na akong mabahala. Nung 3 months old si baby di malago yung hair nya kasi nag dadry yung scalp nya kaya nilalagyan ko ng konting baby oil once a day. So nag improve naman sya, kahit papaano may tumutubo ng hair. Ngayon naman pong 5months na sya, nagkaroon sya ng habit na kamutin yung left minsan right side ng ulo nya, resulta nakakalbo yung mga side na yun. Ayoko naman syang lagyan na ng mittens kasi grabe na sya mag laway at yung kamay nya laging kinakagat. Regular ko din naman iclip yung nails nya. Any tips po para sa ikakabuti ng hair ni baby. TIA

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nagpacheck up napo ba kayo tungkol dito? Baka may ibang reason bakit nangangati si baby doon. Kaya bago gumamit ng kung ano,patignan mo sa pedia.

4y ago

Mas sensitibo kasi ang balat ni baby e.

VIP Member

Kada kakamot po siya pigilan niyo po ganun po kasi ginawa ko sa baby ko, pagmatutulog na siya dun ko nilalagyan ng mittens