Hi Mommies! Di ko alam pero nalulungkot ako. Lalo pag magkaaway kami ng mister ko. Meron kami baby isa 10 months. Di niya kasi ako naiintindihan or iniintindi. Naiinis ako sa kanya kasi lahat ng sinasabi ko na para sa kanya naman at sa family namin binabara niya. Saka wala kasi siya diskarte. Nag wowork naman siya, walang bisyo at hindi nambabae. Ang akin lang ang ugali naman niya. Lagi siya mataas ang boses kaya lalo kami nagaaway kasi di ako papatalo. Ldr kami diti kami nueva ecija at cavite siya magisa. Maliit na bagay pinagaawayan namin. Kahit signal lang, ikaw ba naman momsh, nagaalala na nga ako sa knya at masama pakiramdam niya di siya nakapasok. Since sinagot na niyabtawag ko at boses niya ok na siya masigla na. Ni hindi man lang maghanap ng signal para makausap ako kasi choppy siya. Hays diba wala diskarte. Kaya nalulungkot ako na nagsisisi kung bakit siya pa pinakasalan ko bakit pa ako nagpabuntis sa kanya eh di sana di ako nagsusuffer ng ganito. Tapos nakikita ko ex ko sa social media ang happy happy nila. Dont get me wrong mommy, happy ako kasi ang ganda ng baby ko. Pero mas happy sana kung okay kami ng husband ko. Yung kahit malayo, masaya. Saka feeling ko wala ng love sakin magasawa natabunan na ng inis galit. Bakit ganito momsh? Ano po ba dapat ko gawin sa mister ko?
No hates, just love momsh. Part siguro to ng postpartum. Ang lungkot lungkot parang gusto ko mamatay pag naiisip ko na di ako kaya sundin ng asawa ko. 😭