AGREE o DISAGREE: Pwede naman ang Co-Sleeping?πŸ›ŒπŸ’€

πŸ™‹πŸ»β€β™€οΈMommies, Daddies, I need your opinions both sides ng Agree and Disagree are very much welcome. So I can make a balanced decision. πŸŒ™ πŸ‘ΆπŸ»πŸ’€Co-sleeping is when babies sleep on the same bed as another person, like a parent or sibling.⭐️

AGREE o DISAGREE: Pwede naman ang Co-Sleeping?πŸ›ŒπŸ’€
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

On the first 6 months we try our best na dapat sa crib muna si Baby. Para iwas dagan. Iwas SIDS. Mga ganun. Then walang kumot, but we use swaddle. Also we are making sure na nakaburp lagi and wag muna ibababa si baby after mag feed para iwas lungad. Kaso by 4-5 months, natuto na sya dumapa kaya medyo worried na baka kapag napadapa hindi sya makahinga kasi di sya makapihit. Kaya we try co sleeping. We just make sure na wala masyadong unan. Sa ulo then bolster lang then no kumot. Pinagpafrogsuit lang namin sya since nakaaircon kasi kami matulog. Then we give him space na para talaga sa kanya sa pagitan namin ng Dad nya. Di pedeng tulog mantika. Konting galaw syempre dapat papakiramdaman si baby. And now 10 months na si LO going 11 months. Co sleeping padin. Hindi nagkukumot. Unan sa ulo at bolster lang. Nakapanjama at medyas at tshirt since di ko na sya pinagpafrogsuit.

Magbasa pa