Need help! Tips for first time mom. 🤰🏻🙏

Hello mommies! Currently 39 weeks, open na ang cervix ng 1cm as of Aug 18 Natanggal na din ang mucus plug nung Aug 23. Ask ko lang mga mommies kung ano po yung ginagawa nyo para maopen ang cervix at mag labor. Na stock po kasi ako sa 1cm. Gusto ko na din makaraos at makita si baby. Naglalakad naman po ako 6km a day and squats din. Worry ko lang po na ma overdue. Ang tagal din po namin hinintay at pinag pray dahil pcos baby sya. At takot din po ako ma CS 😔 Maraming salamat po! Malaking tulong po yung maishare nyong story sa akin. #firsttimemom #PCOSbaby #Labor #tips

Need help! Tips for first time mom. 🤰🏻🙏
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako mi edd ko august 13 1st baby Ako. last checkup ko august 2 close cervix, nag pagpag Ako dto sa may hagdan every morning at squat na may kasamng konting exercise TAs kinakausap si baby,then august 4 napasarap Ang kain ko Ng fruit cocktail pero pineapple lang kinain ko then after non nag squat2 Ako tapos madaling araw Ng august 5 humilab na tyan ko pag punta nmn sa hospital mi 8cm Nako agad going to full na. at halos 4-5hrs lang akong nag labor Kasama na pag labas ni baby try nyo pong mag pineapple mi sana makatulong 😊

Magbasa pa
Related Articles