Need help! Tips for first time mom. π€°π»π
Hello mommies! Currently 39 weeks, open na ang cervix ng 1cm as of Aug 18 Natanggal na din ang mucus plug nung Aug 23. Ask ko lang mga mommies kung ano po yung ginagawa nyo para maopen ang cervix at mag labor. Na stock po kasi ako sa 1cm. Gusto ko na din makaraos at makita si baby. Naglalakad naman po ako 6km a day and squats din. Worry ko lang po na ma overdue. Ang tagal din po namin hinintay at pinag pray dahil pcos baby sya. At takot din po ako ma CS π Maraming salamat po! Malaking tulong po yung maishare nyong story sa akin. #firsttimemom #PCOSbaby #Labor #tips
ako pinangarap ko po magnormal palagi ako naglalakad tapos nung IE ako paguwi ko naggrocerynpa kami tapos inikot buong subdivision naglakad tapos naglabor ako ng 9pm ng gabi kasi dinugo na ako tapos nagpunta kami sa hospital 4am kasi ang sakit na ng tyan ko para akong nadudumi eh sabi ng mama ko manganganak na ako kaya ayun antay palagi IE ang sakit sakit na kasi nga antay magnormal alamo 24 hrs akong naglabor ang Ending Emergency CS kasi di pla kasya sa sipit sipitan ko maliit kaya paglabas ng baby ko ayun may parang hati sya sa ulo pero nawala din nung lumaki na kaya Emergency CS na din kasi corded na ang Baby.. wala po tayo magagawa kung yun talaga ang way natin para mapalabas si Baby ang CS pero wag ka matakot kasi may Awa ang Panginoon manalangin ka po palagi hingi ng wisdom kay Lord ng sa ganon maging maayos ang delivery mo po.. kami mas pinili na namin nagdecide na kami na okay mag CS na kasi 24 hrs na ako naglalavor at intense na ang pain hindi pa yun kaya pala masakit na kasi nagdikit na din ang intestine ko kaya CS at inopera din ako sa Intestine ko nahiwa pa ng OB ko ang intestine ko nadamay kasi nakadikit na sa inunan saklap noh? pero Thank you Lord nakaraos din di ako nakapagpabreastfeed sa una kong baby ng matagal kasi bago sya makadede sakin after 2 weeks pa bago sya makadede so di nya nainom ang colustrum ko kasi dami ko antibiotics.. pasensya na napahaba.. sa 2nd baby ko okay na gang 4yrs old ako nakapagBF hehehe..and now preggy ulit ako 33 weeks na this sept ako manganganak :) muntik na din lumabas.. CS ako sa 1st,2nd and dito sa pang 3rd baby namin Thank you Lord kasi lahat pinopoprovide ang needs namin.. wag ka po matakot ang isipin ano ba ang way na magiging safe kayo yun ang mahalaga..wag ka magpakapagod sa bahay ka lang konting galaw galaw lang po makakaraos din kayo ni Baby..pagpray din po kita :) God bless po
Magbasa pamag relax Lang po mommies wag po kayong mastress Lalabas at Lalabas si baby wag nyo pong pagurin sarili nyo . may iba tagtag sa lakad at Kung ano ano iniinom ending CS . make your self busy mag general cleaning kayo .sign na manganganak na panay na paninigas ng tyan. medyo nag less galaw ni baby , nilabasan ng white to yellowish discharge palagiang nakakaramdam ng sharp pain sa may puson at biglang nangangawit ang singit. biglaan po ung hilab or time na gusto ng lumabas ni baby .keep pray din po mga mommy ...Lalabas at Lalabas si baby sa time na gusto na nya. God bless po.
Magbasa paAko mi edd ko august 13 1st baby Ako. last checkup ko august 2 close cervix, nag pagpag Ako dto sa may hagdan every morning at squat na may kasamng konting exercise TAs kinakausap si baby,then august 4 napasarap Ang kain ko Ng fruit cocktail pero pineapple lang kinain ko then after non nag squat2 Ako tapos madaling araw Ng august 5 humilab na tyan ko pag punta nmn sa hospital mi 8cm Nako agad going to full na. at halos 4-5hrs lang akong nag labor Kasama na pag labas ni baby try nyo pong mag pineapple mi sana makatulong π
Magbasa pa37 weeks and 5 days ako nanganak na alala ko dati ang ginawa ko nag lalakad lang ako sa umaga bibili almusal tsaka since 3rd floor inuupahan namin minsan pabalik balik ako sa hagdan.tapos nong 37 weeks ko nag laba ako 1st time ko ginawa mula ng mabuntis ako may nabasa kasi ko dto mag pagod daw.5 hrs ako nag labor,ngayon 1 month na baby ko nong august 24π
Magbasa pakausap kausapin mo mommy si baby, i tried it into my elder son, and it worksπ kamuntikan na ako ma cs kasi ayaw nya pa lumabas, pero nong sabi nobg nurse and doc try to ask your baby to come out na, and finally after a few minutes he already came out at 4k Grams sya nong lumabasπ
try po Prim rose gel po yun po nireseta sakin ng ob ko pra mg open cervix then nung una 1 cm ako then pbalik ko po saknya 4 cm na then sa susunod na check up di. na umabot dahil nanganak na ako nag 7 cm na kasi ako and nglabor na ako 38 weeks ako that time.
Inom po kayo ng nilagang luya, very effective siya sakin, kinabukasan nag labor na ako. Tinigil ko din ang squatting dahil mas umaangat daw ang tiyan pag ganun, pwede lang pag on labor na po. Good luck, mommy! πͺπ»ππ»
as a first time mom po noon sa baby ko. 40 weeks po ako nanganak. sa second naman 39 weeks. wala naman din po akong espesyal na ginawa kundi hinintay ko lang din talaga at pinakiramdaman ang mga labor signs.
Magbasa panun sa 4th baby ko ginawa aq nag search aq sa youtube ng exercise para mas mabilis mag opΓ©n ung cervix ko then nag sayaw sayaw aq pero hndi ung tipong nag ttalon and yes lakad lakad sa uamaga
mommy wag kapo matakot if ever ma CS ka, ang importante malusog mo mailabas si baby, 20weeks preggy here now and waiting for my 2nd CS baby.
preggy β₯οΈ