Late Bloomer Baby

Hi mommies. May concern lang ako about sa 1 year old ko. Sabi kasi ng mother ko late bloomer daw siya.. Kasi at the age of 1 year and 6 months "papa" lang ang kaya nyang sabihin. Hindi rin siya marunong mag clap, sit, high five, etc. Iniisip ko rin na baka may effect sa kanya yung pag seizure nya last time dahil sa infection sa dugo. Also, she even pick and eat anything she sees. Baka may same case din sa inyo gaya ng sa lo ko first-time mom lang po ako. #latebloomer #FirstTime

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mii, just want to share my experience with my child po. 1 and 6mo din po si baby ko. unlike sa baby mo, ang baby ko walang mama or papa. bubbling words sya like babababa dadada tatataa teeteetete. marunong naman ang baby ko magbless sit appear dikit align. and to add may eye contact sya at know nya name nya. Like your baby po, mga bagay or laruan nya sinusubo nya. No solid food pa sya sa age nya, inispit nya lang or worst ilalabas nya pati yung dinede nya. nung sep nagtungo na kami sa devped and as per sakanya is GDD si baby, Global Developmental Delay. meron din nakita si devped na "sign" to be consider ASD. but, need nya makita yun after 6 mos (2yo) para sa confirmation ng diagnosis sakanya (If autism or not) so ang recommend nya samin is Occupational Therapy 2x a week for 6mos. tapos balik kay devped to see yung improvement. sabi kasi nya kailangan natin gawin to para kay baby, kailangan makita ko sya na nagsasalita at matanggal yung "sign" na yun ika ni devped. Nakapag initial assessment nakami sa therapist and next week start na sya papasok. Mamii, kailangan natin gawin to para kay baby, tulungan natin si baby ng mas maaga. handa tayo sa lahat kasi kailangan natin maging matatag para kay baby. wag na tayo umabot sa pinagpaliban natin yung nakikita natin na kakaiba kay baby. sabi ni devped try to compare your kid to other. and nakuha ko ibig nya sabihin. walang masama sa pagcompare minsan lalo na kung may napapansin talaga tayong kakaiba sa anak natin. Try nyo mamii mag visit sa devped walang masama kung magcosult kayo. actually mas maganda yun mamii. mainam na kumilos ka ngayon ka kaysa sa pabayaan mo ng ganyan. di kayang ayusin ni baby ang sarili nya, tayong mga magulang nya ang makakagawa nun. kasi may kilala ako na alam nya may kakaiba sa anak nila umabot ng 5yrs old ang bata hindi gaano nagsasalita, tapos sasabihin nya nagsisi daw sya bakit di nya pinatingin ang anak nya. mas mahirap dalhin yun mamii diba. pinabayaan nya ng ganun si baby alam nya may something. Note: Mainam ng mag overthink at kumilos kaysa sa overthink ka lang hehehe

Magbasa pa
3y ago

Mommy ano pong mga signs ang nakita ni DevPed?