Late Bloomer Baby

Hi mommies. May concern lang ako about sa 1 year old ko. Sabi kasi ng mother ko late bloomer daw siya.. Kasi at the age of 1 year and 6 months "papa" lang ang kaya nyang sabihin. Hindi rin siya marunong mag clap, sit, high five, etc. Iniisip ko rin na baka may effect sa kanya yung pag seizure nya last time dahil sa infection sa dugo. Also, she even pick and eat anything she sees. Baka may same case din sa inyo gaya ng sa lo ko first-time mom lang po ako. #latebloomer #FirstTime

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mii, just want to share my experience with my child po. 1 and 6mo din po si baby ko. unlike sa baby mo, ang baby ko walang mama or papa. bubbling words sya like babababa dadada tatataa teeteetete. marunong naman ang baby ko magbless sit appear dikit align. and to add may eye contact sya at know nya name nya. Like your baby po, mga bagay or laruan nya sinusubo nya. No solid food pa sya sa age nya, inispit nya lang or worst ilalabas nya pati yung dinede nya. nung sep nagtungo na kami sa devped and as per sakanya is GDD si baby, Global Developmental Delay. meron din nakita si devped na "sign" to be consider ASD. but, need nya makita yun after 6 mos (2yo) para sa confirmation ng diagnosis sakanya (If autism or not) so ang recommend nya samin is Occupational Therapy 2x a week for 6mos. tapos balik kay devped to see yung improvement. sabi kasi nya kailangan natin gawin to para kay baby, kailangan makita ko sya na nagsasalita at matanggal yung "sign" na yun ika ni devped. Nakapag initial assessment nakami sa therapist and next week start na sya papasok. Mamii, kailangan natin gawin to para kay baby, tulungan natin si baby ng mas maaga. handa tayo sa lahat kasi kailangan natin maging matatag para kay baby. wag na tayo umabot sa pinagpaliban natin yung nakikita natin na kakaiba kay baby. sabi ni devped try to compare your kid to other. and nakuha ko ibig nya sabihin. walang masama sa pagcompare minsan lalo na kung may napapansin talaga tayong kakaiba sa anak natin. Try nyo mamii mag visit sa devped walang masama kung magcosult kayo. actually mas maganda yun mamii. mainam na kumilos ka ngayon ka kaysa sa pabayaan mo ng ganyan. di kayang ayusin ni baby ang sarili nya, tayong mga magulang nya ang makakagawa nun. kasi may kilala ako na alam nya may kakaiba sa anak nila umabot ng 5yrs old ang bata hindi gaano nagsasalita, tapos sasabihin nya nagsisi daw sya bakit di nya pinatingin ang anak nya. mas mahirap dalhin yun mamii diba. pinabayaan nya ng ganun si baby alam nya may something. Note: Mainam ng mag overthink at kumilos kaysa sa overthink ka lang hehehe

Magbasa pa
2y ago

Mommy ano pong mga signs ang nakita ni DevPed?

sis sorry pero sa age ng anak mo dpt nakakapag clap,sit,high five or close open na sya. Ang masasbi ko is Pacheckup mo na ASAP pra maagapan. Tayong mga parents minsan indenial tayo sa nakikita naten sa anak ntin pero sis responsibilidad natin sila kaya make sure na mapacheck mo ahad baby mo habang maaga pa. Doctot lang makakapag sabi if delayed or not ang baby mo. So plss checkup mo na anak mo.

Magbasa pa
2y ago

It's okay mommy and thank you for your advice 🙂

Hi Mamshie, sino po ba nagbabantay ng baby mo? mostly kasi na observe ko pag hindi natututukan ng nagbabantay wala talaga natututunan ang bata. at that age dapat marami ng alam na salita si LO mo. or maybe may language barrier din siya. nonetheless ipa asses mo na siya sa pedia para ma guidr ka din anong milestone na ni baby dapat ang na achieve niya.

Magbasa pa
2y ago

Tama ka po jan mommy. Hindi talaga natutukan si lo ko kasi busy rin ako sa work same as my husband. Mother ko lang talaga ang napagiiwanan ko sa kaniya at may business din si mother kaya hindi talaga masyadong natututukan anak ko. Walang laging nandiyan sa kaniya para turuan siya ng basic sign and language

normal lang po na may mga late bloomer mamash just have more time na kausapin tapos read bed time stories bago matulog ☺️ .. sa age po kc na ganyan kung ano makita nila isusubo kaya lagi pong imake sure na may mga hndi nakakalat sa surrounding nya na isusubo nya para safe c baby🤗

better consult po s pedia pra po maasses ang milestone ng baby nyo.. may mga bata na late bloomer pero pra sigurado, pcheck up po ninyo..para no worries din po kayo..at kung need ng medical attention/therapy, mas maaga, mas maganda pra mdevelop ng maayos ang baby..

Better po siguro to check with your pedia. Ask rin po if anong pwedeng activities ang regularly gawin para ma-meet ni baby ang developmental milestones niya. Sa Asian Parent app po, may guide rin kung ano ang mga dapat nagagawa na ni baby kumpara sa edad niya.

VIP Member

natural lang ata yung magpick ng objects at isusubo. Siguro need lang ng consistent na pagtuturo sa kanya para magawa niya yung clap, sit etc. Pero kung gusto mo makasiguarado ipa check up mo na po.

VIP Member

Better to consult expert po siguro mommy.