sweetest word

Hi mommies! Bukod sa "I love you" ano ang sweetest na sinabi ni hubby sayo? Posted : 05/01/20

sweetest word
253 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po kami kasal ni LIP / baby daddy ko kasi kasal siya sa iba pero hiwalay na po sila. I find it sweet na lagi niyang sinasabi na ako ang nagpa-realize sa kanya na dapat na niyang asikasuhin ang annulment nila as soon as possible. He can't wait daw po na maibigay niya na sa akin ang apelyido niya. Ako na mas worthy sa apelyido at commitment niya 🥰. Hindi ko naman po masyadong pinatulan 'yung sinabi niya kasi ang focus ko po sa ngayon ay 'yung baby sa tiyan ko, at hindi ang kasal namin o annulment nila (magastos po pareho 'yun, gusto ko si baby lang ang gagastusan ko for now). Recently inungkat niya na naman pero sabi niya this time, pagkalift na pagkalift ng ECQ ay lalakarin niya 'yung legal separation documents nila para raw po wala akong duda sa isip ko at mapatunayan niyang wala na talaga sila ng ex-wife niya. Hindi naman po ako selosa, hindi rin mapag-ungkat ng nakaraan o mapaghanap pero minsan di ko alam bakit laging nasa isip niya 'yun. Wala naman po kasi akong reason para magselos o magduda kasi kasama ko siya araw araw sa bahay (we work from home), at napaka-open ng cellphone at work computer niya kahit saan naa-access ko facebook and emails niya. Wala lang, i just find it sweet na ni ayaw niyang mag umpisa akong mag isip na magkakabalikan pa sila or what. At saka 'yung gusto niyang ayusin ang pamilya namin kasi alam niyang deserve naming mag-ina na maging kami ang legal. He makes plans for our future, he carries out those plans every single day and proves his commitment to me everyday. For now, sapat na ito sa akin. I'm happy.

Magbasa pa

My love baby "J" I know you are stressful and worry. I know you are not easy to carry our baby there. I know you need me to beside you for this tough time. I want you to know, I do care a lot about you. I want you to know, I will never abandon you. I want you to know, you are not alone, and as soon as I can fly back to you, I will fly to you immediately. Please be patient to me. Please wait for this pandemic to release and country open up. Please wait for me to fly back to you. Please let us go through this tough time together. Please keep in touch and talk to me. My heart feel deeply pain that I always want to talk to you but you ignore me. I don't even know if I should keep insist calling you or let you rest sometimes. I just want to tell you, I too stressful to be lockdown here because I can't wait to see you. I want you and I love you❤ - Yan message nya nung isang araw

Magbasa pa
VIP Member

Let me share po..hehe.. Iniwan yan ng husband ko sa bed namin before xa umalis..that's the sweetest words ive ever heard sa husband ko..espexally sa part na "You're my inspiration".. Alis kasi xa khapon ng maaga may pinuntahan lng na importante lunes na ksi uuwi..prior to that day, inaway ko kasi xa kasi nga gusto ko lagi ko syang kasama at nkikita eh gusto nyang umalis..kya un..since hndi ko xa pinansin ng iwan nlng xa ng letter..first tym nya ginawa to since bf/gf pa kami..ngayon lng tlga..though maeffort xa pro first tym tlga ang letter..mas kilig pa sa lahat ng gfts tlga..xenxa na po nkapagshare tuloy ako..but thank you po..hehe

Magbasa pa
Post reply image

9 years na kami ng husband ko pero parang BF/GF parin kami. haha walang specific things na very sweet sya sinasabi, mga random actions lang like: -8am duty nya sa work, pag dating sa office nakikipag video call pa. -pag nasa malayo sya, tumatawag at nag titext for updates kahit di naman ako nakakapag reply kasi lagi ako wala load pang text -pag may extra money sya, nagdadala ng surprise like Jobee or sweets -lagi nya ako kinikiss bigla or hug -holding hands kami pag matulog basta sobrang dami pa... haha some things na akala ko nuon ay para lang sa mag boyfriend, pwede pa rin pala kahit araw araw na kayo sa buhay nyo mag kasama haha

Magbasa pa

Yung hubby ko hindi sweet .. Hindi maeffort .. Madalas nga pakiramdam ko di nya ko mahal. Pero pag sa gawaing bahay .. Lahat sya .. Magluto, maglaba, lahat .. As in lahat .. Bago pumasok sa work naka luto at babad na ng damit un .. Pag uwi linis ng bahay at laba naman.. Wird noh 😅😅😅 tapos gusto nya mayat maya nakikita ako.. Pag magkasama kame gusto nya naka upo lang ako habang naglilinis sya nakikita nya ko . Pag nasa work naman from time to time gusto nya nagsesend akong pic sa kanya .. Hindi nag bago un simula naging kami .. Hnggang ngayon .. Tapos nakakayamot pa pag nagsend akong pic lalaitin pa nya ..

Magbasa pa

Everyday naman palagi akong may unexpected words na naririnig sa kanya. I mean, responsable siyang asawa and all, sweet, hard working pero ngayon na magkakababy na kami, ewan ko tumriple ata kasipagan ni daddy, sobrang soobrang pagpapahalaga bininigay niya sa amin ni baby to the point na maiiyak nalang ako at sa loob-loob ng utak ko nagpapasalamat ako kay Lord na maswerte ako sa asawa ko, at ang swerte ng anak ko dahil may daddy siya na sobrang sweet. Yung feeling na parang sasabog ang puso mo sa sobrang pagmamahal at pagpapasalamat hehe ganun.

Magbasa pa
5y ago

Me too.. I'm so lucky for my hubby Actually 2nd hubby ko na xa kc Yong dati irresponsible yon lage kme nag aaway, Di magkasundo kya naghiwaly nlng kme but very thankful tlga ako ky God kc swerte ako sa 2nd hubby ko.

Ahahaha pra sken sweetest na sinabi ng live in ko ung running 9years na kmi at aluking magpakasal na dw kmi dhil lumalaki ndw mga anak nmin😅😅😅 hndi ko alam sa srili ayaw ko pa eh pero never po kming ngaway na nambabae xa dhil loyal po tlga xa sa pagssma nmin...sa pgmmhal ko maamin kong di ako nging loyal sa pagmmhal sa knya pero pinanindigan ko at sinuklian ko ang pagiging loyal nya sken at nging matatag ang pagssma nmin di man nya alam pero alam ng diyis na di ako gumawa bg ikasisira nmin🥰🥰🥰

Magbasa pa

Ung tipong ang dami niyang nakakasalamuhang girl na mganda eh ssbhn pa din niya sa akin na "mas maganda ako sa mata niya" simple pero malakas ang dating tapos ung naglalakad kami sa kalsada naka payong ililipat niya ng pwesto ako ung hindi ako mahahagip ng sasakyan at ssbhn niya na " d bali na ako mahagip wag ka lang" pero sa lahat ng sweet na snbi niya bukod sa.pag sasabi ng "iloveyou" oras eh ung sasabhn niya na "sa akin ka lang ah mahal na mahal kita" medyo possive ang dating pero para sa akin sweeeeeeeet

Magbasa pa

Love niya anak namin, pero mas mahal daw niya ko. Hindi daw niya ma explain pero alam niyang mas ung love niya sakin. Alam din daw niya na hindi mutual yung feeling kasi as nanay, mas mahal ko daw yung baby namin kaysa sakanya. Which is ok lang daw kasi habang focus ako na mahalin at alagaan baby namin, siya naman daw mag aalaga sakin :) mula nung nanganak ako sinasabi niya sakin yan even up to now na isang taon na si baby ganun pa rin. :)

Magbasa pa

"Supportado kita sa lahat nang gusto mo. Andito lang ako gabay mo. Mahal na mahal kita gusto ko lagi kita nakikitang masaya. Kayo ang buhay ko. 💕" Nag oonline business po kasi ako, meron po kasi na ibang asawa ayaw mag online business asawa nila ni kesyo gastos lang daw. Pero ako maswerte ako sa asawa ko go lang daw. As long na masaya ako sa ginagawa ko. Bonus na lang yung wala siyang bisyo. 😂

Magbasa pa