Kelan nyo naramdaman ang pagsipa ni Baby sa tiyan?

Hi mommies. Ask ko lang sana. Normal lang ba na wala pang mararamdaman na parang pagsipa sa ika 16 weeks? Worried lang kasi ako kung ok pa ba si baby sa tiyan ko. Pero last 14 weeks naman na dinoppler ako ni Doc mabilis heartbeat ni baby nasa 157bpm. Mga ilang weeks po ba natin mararamdaman ang pagsipa nya sa ating mga tyan mommies? Thanks po#1stimemom #pregnancy #firstbaby #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin po 16 weeks ramdam ko na yung pitik pitik then ngayong 19 weeks na eh malakas na po ang sipa, bumubukol na sya. depende rin po kasi yun sa presentation ng placenta nyu, if posterior po mas ramdam nyu paggalaw nya gaya sakin, pero kapag anterior po eh hindi nyu po masyado mararamdaman kasi nasa harap po ni baby yung placenta nyu. pero wag po kayo masyado mag worry, as long as ok at healthy naman po si baby. kapag po nasa 5 or 6 months na po kayo for sure mararamdaman nyu na po sya.

Magbasa pa
4y ago

aku din po 19 weeks pero dipo bumubukol ung sipa nya, manaka naka palang po ung pitik.