3 Replies
more tummy time po mommy mga 3hrs in a day . yung tummy time hindi sa bed kundi sa floor gamit ang floormat para mas lumakas ang muscles ni baby.. totoo may kanya kanya milestones Pero help pa rin natin sila na mameet nila sa Tamang edad nila.. para mapractice ang crawl lagay ka ng toy niya na medyo malayo Sakanya para kusa sya lalapit gamit ang Pag gapang.. sa Pag upo naman lagay mo si baby sa gitna ng hita mo madami po yan tutorial watch ka sa YouTube mi.. at tyagaan lang talaga... kung tingin niyo po may delay talaga mas mainam po paconsult Kay Pedia.. Godbless
8 mo old din lo ko. nagta try pa lang din sya mag-crawl. medyo nakakailang inches pa lang sya pag nagta-try. nakakaupo naman sya without support na pero mas gusto nya yung nakatayo na supported. sa babbling, iilan pa lang din ang consonants na nababanggit nya. pero babies naman, iba-iba ang timeline. encourage/ support lang muna sila and try to be patient. 🤗
baka naka focus sya sa ibang skills like speech, mi? 😊
Continue lang po sa tummy time. Si lo ko 9 months na nung nakaupo totally without support. Tapos before siya magcrawl paswim muna and then natuto din siya.
Iupdate niyo po yung pedia niyo para po maturuan or masabi po ano gagawin niyo. Kasi akin dati, sinabi nung 8th month check up niya, na kapag 9 months na siya and di pa po nakakaupo totally, delay na daw po yon.
Leonalie Jimenez Jauguin