GAMIT NI BABY

Hi mommies! Ask ko lang po kung ano-ano po bang mga dapat na bilhin na gamit ni baby at ilang piraso po? 6 months pregnant here medyo nagreready na po since it's my first time medyo nangangapa pa po sa pagbili ng gamit. πŸ˜… HELP naman po. πŸ˜…

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Huwag masyado bumili ng sobra dami lalo na yung pang newborn size lang kasi mabilis lang lumaki mga baby. Depende din kung gaano ka kadalas maglalaba, kung every other day pwede na siguro yung ganito: - 6 sleeveless - 3 with short sleeves - 6 long sleeves (magpaPasko na medyo malamig) - 6 pajamas - 6 shorts - 1 dozen lampin, yung iba pwede gamitin pang ihi nya, yung iba pamunas - 3 hooded towel - 3 pairs of socks (di na booties kasi malalakihan lang yan, medyas pwede pa gamitin kahit lumaki laki na) - 1 cap (pag umaalis lang, hindi naman nagcap sa bahay unless super lamig talaga) Yan lang pinakabasic. Baka gusto mo iconsider gumamit ng cloth diaper para pwede labhan at magamit ulit. Mittens di na ko gumamit, ginugupitan ko na lang ng kuko.

Magbasa pa
3y ago

Thank you po! πŸ₯°

For me, 1 dozen na long sleeves, short sleeves and sleeveless. 1-2 dozen na mittens and socks. 3-5 baby cap tas sa mga damit lakihan nyo na po ang size like pang 6-9mos po kasi mabilis lang lumaki ang baby pag nasa labas na. Bili kayo mga pang remedies sa tiny buds, especially po sa kabag yung ca tummies. Lampin, bibs, swaddle blankets, towels, rubber mat, pillow set, nose sanctions, baby nail cutter, feeding bottles try nyo muna bumili ng 3-6pcs, cloth diapers

Magbasa pa
3y ago

Thank you po! 🀍