Postpartum

Hello mommies! πŸ˜ƒ Ask ko lang ngayong may newborn kayo kamusta naman po mga daddy ng baby nyo? Sila lang po ba katuwang nyo ngayong may NB kayo? Magshare lang ako, Kami kasi may business rito. May kainan kami. Lahat sila busy, Pero okay naman lahat naman ng needs ko natutugunan naman. Yung MIL ko siya naglalaba ng damit ni baby (via Handwash), pati mga damit namin (although AT naman ang washing namin, Paglabas sampay nalang), Sya din nagpapaligo sakin (CS po ako), Siya nagpapaligo kay baby. Sa asawa ko naman po, Siya naman katuwang ko minsan sa gabi, Minsan phirapan pa gumising siya. Naiinggit lang ako sakanya kasi nagagawa pa niya ang gusto niy like mag ML or maglaro ng baraha, meron siyang me time. Unlike me, Parang pinako na ako dito sa kama, Kaka-padede kay baby. Sobrang naiinip ako, Di ako sanay ng ganito. Outgoing person po ako, Kaya parang ang laking adjustment din nito sakin. Prang gusto ko na agad lumaki si baby para lang makalabas or makatrabaho. Kahit bawal mag CP, Nakakapag CP ako, Kasi wala akong kakwentuhan or kachikahan. Nalulungkot ako. Yung asawa ko naman feeling ko napapagod na rin siya. Kaya parang nahihiya na akong mag ask ng mga favor sakanya. Kaso kailangan katulad ng pagbuhat ng timba para sa ihian ko, paglilinis ng sugat at kapag antok na antok na ako tapos iyak p ng iyak si baby. Hayyyyy mga ka-nanay. Hindi ko po alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Minsan umiyyak nalang ako kasi parang ang lungkot lungkot, Although may mga tumutulong sakin kaso parang kulang pa.. Share din kayo mommies..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nako hirap mag adjust mamsh lalo na first baby sakin. Tas yung daddy niya sa taguig nagttrabaho kami ni baby nasa mama ko dito sa cavite. Bihira siya makauwi kaya si mama ang katuwang ko mag alaga. Sobrang swerte ko lang din talaga since hindi talaga iyakin si baby mix feed siya and normal delivery ako kaya 1 week tiis lang ng kakaunting kilos para magpalakas tas ok na ulit haha. 1 month nakakapag grocery na ako at nakakapag drive hehe

Magbasa pa