wag ka maglagay ng efficascent oil or any ointment lalo sa tyan or lower back. i believe it also says in the label di sya advisable for pregnant to use topically, unless kung aamuyin lang. normal lang na gassy ang tiyan pag nagbubuntis and talagang di kumportable. what you can do, maglakad lakad ka para gumalaw din bowel movement (maganda rin yun para iwas constipation). inom ka ng probiotic drinks like yakult. umiwas ka rin na malipasan. iwasan mo rin ang carbonated drinks kung umiinom ka man (syempre may hangin yun e plus nakakataas pa ng sugar). umiwas ka rin sa maanghang at nakakakabag like repolyo. pero immediate remedy talaga yung lakad lakad. kung di naman advisable sayo maglakad, pag nakahiga ka wag ka magstick sa iisang posisyon pero mas advisable na lagi nakaleft side ka bukod din sa blood circulation, mas maganda position ng bowel mo nun.
Di ko sure kung safe ang efficascent oil sa buntis pero ako po kasi sunflower oil lang pinapahid ko sa tyan ko. Tungkol naman po sa kabag, di po talaga maiiwasan yan, it’s either iburp or iutot mo talaga mami. Hahaha. Ang ginagawa ko umiinom ako yakult
okay sis noted! thank you 💗
Momma