Weight Gain/Loss

Mommies ask ko lang kung normal ba na mas bumaba timbang during the first trimester. 13weeks na kasi ako ngayon turning 14w in the next 2 days, pero mas bumaba pa timbang ko kesa nung 8weeks preggy palang ako. Araw araw naman akong may fruits and snacks pero di talaga kaya ung normal portion ng 1cup of rice, ang single meal ko half rice lang kaya kong ubusin. Worried lang ako kasi ung iba during this time tumataba na since papasok na ng 2nd trime. Weight conscious kasi talaga ako even before pa ko mabuntis, gusto ko nasa 48-50kg lang pero ngayon 46.5kg nalang :( ayoko kasi mag mukhang tuyot habang nagbubuntis kasi 5ft lang ako and petite. kelan kaya babalik ung normal na appetite ko na umaabot ng 1 1/2 cup of rice per single meal. ☹️ Kayo ba mommies kelan kayo nag start mag gain ng weight? #firsttimemom #respectpls

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag ka 2nd tri mi saka ako nag gain dire diretso hanggang 3rd tri. Nung 1st tri kasi mahirap dahil suka ako ng suka. Pag dating ng 2nd tri saka na ako nadagdagan ng timbang magana na ako kumain nun kasi nawala na pagsusuka ko. From 49kgs nung 1st tri to 64 nung 3rd tri. 5'4 height ko.