Weight Gain/Loss

Mommies ask ko lang kung normal ba na mas bumaba timbang during the first trimester. 13weeks na kasi ako ngayon turning 14w in the next 2 days, pero mas bumaba pa timbang ko kesa nung 8weeks preggy palang ako. Araw araw naman akong may fruits and snacks pero di talaga kaya ung normal portion ng 1cup of rice, ang single meal ko half rice lang kaya kong ubusin. Worried lang ako kasi ung iba during this time tumataba na since papasok na ng 2nd trime. Weight conscious kasi talaga ako even before pa ko mabuntis, gusto ko nasa 48-50kg lang pero ngayon 46.5kg nalang :( ayoko kasi mag mukhang tuyot habang nagbubuntis kasi 5ft lang ako and petite. kelan kaya babalik ung normal na appetite ko na umaabot ng 1 1/2 cup of rice per single meal. ☹️ Kayo ba mommies kelan kayo nag start mag gain ng weight? #firsttimemom #respectpls

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

normal mii. from 60 naging 58 ako. sabi ni oby, oi bumaba ka ah. 2 mos pa tyan ko nun. kasi sa part na yan kasi mii, expected na bababa timbang natin dahil sa paglilihi. pero now malapit na ako sa 2nd trim at palagi na rin akong gutom. actually gutom na nga ako eh hahaha

Hi Mii yes po normal lang siya sa 1st trimester, dont worry babalik din yan pagdating mo ng 2nd. Ako nabawasan ako ng 2kilos on my 1st kakasuka at konti kong kumain. Nag add up lang pagstart ng week15. That time kasi hindi na ko nagsusuka. 1st time mom here din #week22

normal po Yan sa buntis ako nga po 1 month to 5 months nag lose weight talaga ako kahit kain ako ng kain pero sinusuka ko Po kasi pero nung nag 6 months na Ang baby ko sa tummy bumabawi napo Ang timbang ko at Ngayon nasa 35 weeks and 4 days na ako nasa 59 kilos na ako

Super hirap ako nung 1st trimester ko I lost 7kg everymonth I attended prenatal check sabi ng OB ok lang naman, normal din mga ultrasound results ko. Basta eat healthy foods lang po, take prenatal vitamins kasi dagdag nutrients yun sa baby..

Nako normal lang yan. I has my baby last november 2022. Pumayat ako 5kgs during 1st trimester. Tumaba na ako mga ika 5th or 6th month pa. Doon lang bumalik gana ko sa food. Ang problema ko naman ngayon eh paano mag lose ng weight hahaha.

Ako din po bumaba weight nung first trimester maybe because naging picky eater ako and palaging sinusuka yung kinakain. Pero next trimester bumalik naman yung gana sa pagkain and di na masyado nagsusuka po kay nag gain na din ng weight.

FTM din po ako, palagay ko po ay normal naman po kung maselan po kayo sa 1st tri.. Ako din po pumayat po ako nung 1st tri ko 2-3kg po nawala sakin. Nakabawi nalang po ako nung nag 2nd tri nung nakakakain na po ako nang maayos :)

41kg here mie, nung 1-3months bumaba timbang ko at naging 38kg nalang ako, pero nung bumalik ako kay OB last week bumalik naman na, ays naman si baby at wala naman sinabi si OB na bad kasi underweight nga ako

VIP Member

Yes normal yan dahil first trimester ka palang wait ka around 6-7 months, mggain ka na weight. Ako nga 10 kgs tinaba around 7 mos hehe

same . halos diko makain ng maayos o maubos rice ko kase nasusuka ako , kaya puro fruits and milk ako . para healthy pa dn