Lower back pain na parang pilay o may naipit na ugat

Hi mommies! Ask ko lang if normal po ba ito or may same ako dito na nararamdaman. Im 36 weeks preggy and Parang iba kasi yung lower back pain na nararamdaman ko sa right side. Hirap kong ilakad halos ang legs ko lalo pag napipwersa, yung pakiramdam ng sakit nya is parang pilay na masakit kapag nadiinan or parang may naiipit sa loob. Natry ko na magsalonpas and magpahilot pero parang 1 day lang umokay ang paglakad ko then masakit na sya ulit. Hindi tuloy ako makapaglakad lakad at sobrang manas na ng paa ko kasi hirap nga ko humakbang. #firsttimemom #advicepls #respect_post

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mejo parehas tayo mi, yung lower back pain ko sa right kapag humihiga ako ang saket niya tapos nung pinatunog ko ayon nawala yung sakit. Minsan nga naririnig ng mga kapatid ko yung tunog ng buto ko nasshock sila hehe. Tapos nasanay na lang ako na ganon siya. kapag di ko siya napapatunog ang sakit kase para siya ugat na naipit. Til now 9months nako. ganon pa den ginagawa ko. Ganon po kapag nakatayo ako or nakaupo matagal. Sarap sa pakiramdam kapag tumunog haha kusa siya natunog kapag humilata ako ng nakalapat Lower back ko.

Magbasa pa
1y ago

Minsan mi di tumutunog kapag humihiga ako. Bale ginagawa ko, pinapatadjak ko yung balakang ko sa asawa ko. Hindi yung tadjak na grabe ha hahaha yung tadjak n nakadikit yung paa niya don sa part na parang naipit ugat tapos ayon tutunog na. Kung nakakadapa kase tayo mas madali haha kase papatapak lang tayo sa balakang. Kaso di naman pwede yon hahahaha basta ganon mi, masasanay ka rin po na ganyan 🤗

itry mo pang haplas mii yung alcamforado , mukha syang manzanilla pero yung color yellow. o d kaya any oils tas babaran mo ng ginayat na luya. Sa nerves yan mii pareseta ka din sa ob mo vitamins para sa nerve yung Vitamin B1 B6 B12

same tyo, niresetahan ako ng doctor ko ng polynerv forte, sobrang sakit pag lakad huhu

U p

U p