SINOK

Mommies ano po gagawin ko pqg sinisinok si baby after magdede sa bottle? Hahayaan ko lang po ba yun? Normal lang po ba yun? Or hinde pede pabayaan? Thanks ftm here

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes. Normal lang sis. Mawawala din kasi yan. Basta burp after padede. Wag kang maniwala sa oldies na painumin ng water pag sinisinok. Di pa pwede uminom ng water 0-6mos na baby. Milk lang talaga sila.

Yes po normal lng yan . Tinanong ko sa pedia ng baby ko kung bakit ganun . Sabi niya kelangan daw ipa-burp every after feeding at dapat mataas yung ulo pag pinapapadede .

Ganyan din po si lo ko after every feeding. Pag di nadala sa burp, pinapaut-ut ko ng konti saken since di pa pwede ang water. Then nawawala na. 😊

VIP Member

normal naman yun momsh pero kinakarga ko parin si baby di ko hinahayaan nakahiga lang para kasing masakit sa dibdib..

VIP Member

Yes po normal lang po mawawala din po yan pero pag buong araw na siyang sinisinok ng di nawawala hindi npo normal yun

Oo nga po knna pagkatpos ko padedehin pinaburp ko 2 times p nga sya nagburp tas nung nilapag ko na sininok nmn..

Normal yan mommy. Basta ipaburp mo lang sya after feeding. After 5-10 mins mawawala na din po yan 😄

After burp.few min.minsan sinisinuk po wag muna pahigain c bby tas padedehin mu ulit sayo kunti

Opo,basta padighayin mo lang po si baby after dumede

Lagyan mo yung noo nya ng sinulid po sis😊