Hospital o Lying in??
Hi mommies! Ano ba mas gusto pipiliin nyo manganak sa hospital o sa lying in?? Kasi kung sa hospi ako siksikan ang mga pasyente sa bed. Halos tatlong pasyente sa isang kama ang pinapagamit nila. Kawawa mga pasyente dito samin. Brtth ang tinutukoy ko.. Pero kung sa lying in naman mas komportable at mas maganda daw kasi asikasong asikaso at maluwag ang hihigaan. Ang ikinatatakot ko lang kasi baka iemergency ako bigla kung sa lying in ako didiretso. Ang hirap magdecide momshies.. ?
-BELABELLS-