Takot manganak sa Public Hospital

Hi mommies, ang dami ko po nababasa sa social media about sa experience ng marami sa treatment sakanila nung manganak sa mga public hospitals, mostly negative experience nila. Nagdadalawang isip me now if mag public hospital ako. Sa June next year pa ako manganganak. Any idea po how much ang gastos sa mga private clinics na sabi nila mas maasikaso ka daw ng maayos, para makapag ipon na ko as early as now. Thank you po sa sasagot.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Last year nagpa-ER ako sa public hospital dinudugo kasi ako ayun pala nagle-labor na ako kaso 21 weeks pa lang ako that time. Kahit ER ka na pinag-fill out ka pa ng mga papel jusmio 🫤 kahit namimilipit ka na sa sakit maghihintay ka pa na matawag at iisa lang ang DR sa ER 😑 pinagalitan pa ako ng DR sa ER kesyo ano daw bang ginawa ko at napa-anak ako ng maaga 🥲 Pag pasok sakin sa delivery room at lumabas na si baby pinagagalitan ako ng dr kasi naihian ko sya, nagagalit sya pag malikot ako kasi dinudukot ng kamay nya yung sumabog na placenta ko. Pag dala sakin sa OB ward kinabukasan papalibutan ka ng mga DR, nurses tas mga nagreresidency sa ospital. Pinagalitan pa ako ano daw bang ginawa ako at napa-anak ako ng maaga. Sabi ko stress kako ako. Sabi ng Dr dun di daw nakaka-paanak ng maaga yung stress like WTF. Sino bang nanay gusto mamatayan ng anak? Paconsuelo de bobo na lang din yung 500 lang binayaran namin dun.

Magbasa pa