Takot manganak sa Public Hospital

Hi mommies, ang dami ko po nababasa sa social media about sa experience ng marami sa treatment sakanila nung manganak sa mga public hospitals, mostly negative experience nila. Nagdadalawang isip me now if mag public hospital ako. Sa June next year pa ako manganganak. Any idea po how much ang gastos sa mga private clinics na sabi nila mas maasikaso ka daw ng maayos, para makapag ipon na ko as early as now. Thank you po sa sasagot.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello! kapapanganak ko lang last nov 22 and ganyan din ako, takot sa public manganak. So ayun, CS ako and ang total lang ng binayaran namin including yung baby bill as well as PF ng lahat ng doctor is around 45k-50k lang. Nung inadmit ako, req magdown ng 13k tapos yung final bill ko is around 34k+. di ko na tanda yung exact amount basta around 45k to 50k lang siguro yung total na nagastos ko sa pagpapanganak. Libre yung check up ko. nanganak ako sa JDMH hehe dabest hosp for me and now, di kami nagpalit ng pedia kasi ang galing at super bait nila

Magbasa pa