Takot manganak sa Public Hospital

Hi mommies, ang dami ko po nababasa sa social media about sa experience ng marami sa treatment sakanila nung manganak sa mga public hospitals, mostly negative experience nila. Nagdadalawang isip me now if mag public hospital ako. Sa June next year pa ako manganganak. Any idea po how much ang gastos sa mga private clinics na sabi nila mas maasikaso ka daw ng maayos, para makapag ipon na ko as early as now. Thank you po sa sasagot.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa public hospital ako nanganak. and okay naman serbisyo doon dahil unang una, wala akong binayaran ni piso. ang naging struggle ko lang siguro dahil first time mom ako, nahirapan ako sa pagpapabreastfeed dahil wala talaga lumalabas na gatas sakin kaya panay iyak si baby. di nabubusog kaya maya maya ay gising. sobrang pagod at puyat ko knowing na kakapanganak ko lang at bawal ang bantay. Mahigpit sa public hospital. Kailangan talaga breastfeeding doon. as for doctors and nurses, ganoon talaga may masungit may mabait. kahit naman sa private ganoon din. madalas din naman may nagrorounds na nurse at doctor sa public hospital dito sa Bataan. ewan lang sa iba depende siguro sa capacity ng hospitl at dami ng pasyente. Also, dami kong nakasabay doon na mga menor de edad na nanganak at napansin kong sa mga ganun nagsusungit mga midwife at doctor. lalo na kung nagpapabebe yung minor n manganganak, malamang ma cs kapag matigas ang ulo. hahaha.

Magbasa pa