Muta

Hello mommies! 6days old na po si baby, normal lang po ba yung nagmumuta-muta siya? Yung muta niya is yung parang kapag may sore eyes. Ganong type ng muta pero wala siyang sore eyes. Thankyou po sa sasagot.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Of di naman namumula yung eyes nia baka Same kay baby ko before paturo ka po ng tamang pagmamassage sa pedia.. ganun lang po ginawa ko kay baby.. if ever 1 week na same pa rin baka i advice ni pedia na ipalabtest yun... usually pinapatest is ung medyo namumula ung mata ndi kang basta muta

Newborn Eye Discharge po. Ganyan po baby ko, inadvise lang ni pedia imassage yung gilid ng ilong pataas sa lugar ng labasan ng muta. Usually daw po kasi barado po yung lacrimal ducts o daanan ng luha. Massage lang daw po 6x a day. Tyaga lang po.

normal lang po, nagka muta din mata ng baby ko sa left side l, tinuruan lang ako ng pedia na imassage yung ilong papunta sa talukap ng mata ayun po nawala na.. hindi na sya nag mumuta.

VIP Member

Pacheck po sa pedia momshee. Yung baby ko nung newborn sya nilagyan sya ng parang terramycin sa eyes for protection baka gnyan din po yun kay baby nyo. Nawala ng kusa pero see pedia pa rin momsh.

Yes sis! Wala ka dapat gawin dont worry. Punasan mo lang ng cotton na may mineral water. Wag mo papatakan ng kahit ano. Also massage mo ung sa may nose nya papunta sa eyes. Tear ducts dw un as per OB :)

Sbi ng doctor normal nmn.. c baby q 3months n bgo nwala.. may nresetang gmot skin oinment.. mga 3 patak lng ok na.. massage mo dn lower eye n mlapit sa ilong.. barado daw ung tearduct nya..

2y ago

Hello. Erethromycine po ba yung ointment na binigay? I’m having the same experience with my baby. Left eye din magmumuta

VIP Member

Binigyan po ba sya ng eye propalyxis yun kaso nagpreprevent magmumuta nag newborn nagiging cause po ng infection kasi pagmumuta bacteria din kaso yun

5y ago

Yes po. Binigyan siya.

Hi mommy ganyan din po si baby ko sabe ni pedia i-massage ng bahagya yung gilid ng mata. Since then hindi na sya nagmumuta

I asked our pedia about it sabi nya normal lang daw basta di namumula yung white sa mata

sis db breastfeed c baby?patakan m ng milk m sis ung mata nya po s morning...