39weeks and 4days
Hi mommies, 39weeks and 4days na ako pero panay paninigas at paghilab lang may time din na masakit na parang may mabigat na sumisiksik sa puson ko kapag naglalakad ako, 5days na puro ganito. Nagwawalking at nag eexercise naman ako kagaya ng squatting and other pelvic exercises, nainom na din ako ng pineapple juice, nilagang luya, at primrose oil. Kumakain din ako ng pineapple at nagtry ako ng magtake ng buscopan pero twice lang. Wala pa din mucus plug na lumalabas 🥺 kinakabahan ako kasi malapit na ako sa due ko. Puro milky discharge lang po lumalabas sakin at wala naman amoy pero marami. Sobrang likot din po ni baby kapag gabi at lagi ko din syang kinakausap. Any tips po mga mommies gustong gusto ko na po makaraos. Pryaing for my safe delivery.