Mataas din po ang sugar ko sa lab results. Pinagmomonitor po ako ng OB ko ng sugar, napabili kami ng monitor. Super controlled po ako sa pagkain. Less rice, brown rice kung pwede. Less tinapay at snacks. No sugar (juice, mga biscuit, desert). Protein (chicken and fish is advisable). Kapag nag ggrocery po, tinitingnan talaga ang sugar content ng binibili. More on fruits and veges. Uminom po kayo ng 2-3 L of water everyday. Super controlled talaga mommy. Tinitiis ko talaga para kay baby. So far, controlled na controlled ang sugar ko naman kapag nagmemeasure.