Hirap patulugin si baby

Hi mommies, 19 days old na yung baby ko. Mahirap sya patulugin kahit nakakailang dede na sya tapos maiksi lang tulog nya. Minsan akala mo mahimbing na yung tulog nya kapag binaba mo sya pero nagigising din agad. Any tips naman mga mommies para mabilis makatulog si baby at ano dapat gawin para mahaba haba konti yung tulog nya. #1stimemom #advicepls

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din si baby ko mii kaya binilhan namin sya ng automatic swing (duyan) ayon nakatulong naman. Medjo nakakatulog na kami di gaya nong first few days na puyat na puyat kami.

3y ago

Kaya nga mii di mo nababawi tulog mo kasi kahit araw o gabi e hindi mahaba tulog nya kaya idlip idlip lang nagagawa namin ng hubby ko 😂