Morning Sickness (Wholeday Sickness)

Hello mommies! 10 weeks right now. Sobrang hirap ako ngayon sa 2nd ko. Ako lang ba ang nakaka experience ng ganito: Hindi ako makainom ng water na hindi malamig kasi sukang suka ako. Hindi ko na rin mainom ung anmum ko as in di ko na kaya tinry ko naman. Pati sa pagkain ayoko ung mga walang lasa na pagkain. Ayoko din ng lutong bahay na pagkain panay ako order ng fast food or resto 😭 napaka unhealthy nakokosensya talaga ako pero wala di ko mapihilan. Ang tinutubig ko ngayon puro fruit juice, buko juice, tang na sobrang tamis ganun. Pati di ako makakilos talaga like ung usual ko na ginagawa (nagluluto at pumapasok sa office) Nag leave ako talaga sa work kasi di ko kaya ung sobrang hilo at pagkaduwal. Simula nung nabuntis ako never na nawala ung hilo as in. Hay kelan kaya matatapos ito? #advicepls #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same tayo momsh ng experience. Normally naman po pagpasok ng 2nd tri huhupa na po yan. Kainin nyo lang po gusto jyo kainin and sundan nyo na lang po ng madaming water if unhealthy man. More on buko juice lang din ako noon kase di ko din kaya uminom ng normal water.

3y ago

Thank you! Hopefully mawala na ito soon hirap na hirap talaga ako πŸ˜… Nung 1st pregnancy ko nakakapasok pa ako sa office at nakakapag travel. Ngayon talagang hindi kasi grabe ung hilo ko