yellowish
Momies .1Month na Po c bebe q.. Bakit po yellowish parin siya ? Bfeed po siya and pina take ko ng Tiki2x .


As per advice sa pedia ng baby ko with in 2 weeks yellowish si babay tapos mawawala na. Baby ko 26 days na ngayon di na yellow maputi na mapula na siya. Pina'check up mo ba si baby 1week after nya maipanganak? Kasi sakin pina'check up ko siya 1 week nya. Sabi ni Pedia buti pinacheck up daw nmin kasi medyo iba pagka yellow ni baby ko di normal na pag yellow sa iba baby. Tinanong nya ako kung anu blood type nmin mag asawa baka di magkamatch kaya yellow si baby eh pareho kami B+ mag asawa. Sabi ni Pedia mataas daw billarubin ni baby yon yong nag cause ng pag yellow ng mga baby. Kaya pinalaboratory nya si baby para macommute para maagapan. Ang result ng billarubin ni baby is 15 ang normal ay 5lang kaya niresitahan siya ng gamot para sumama sa ihi at tae nya kasi di daw yon makukuha sa paaraw lang. Pero kung umabot ang billarubin nya ng 23 up admit diretso si baby para mamonitor kasi kailangan matanggal ang billarubin nya. Pwede kasi mag cause ng brain damage habang lumalaki si baby or ang masama mamatay siya. Kaya kung ako sayo momsh ipacheck up mo si baby baka gaya siya ni baby ko mataas billarubin kaya di pa nawala pag yellow nya kahit 1 month na siya at di makuha sa paaraw lang.
Magbasa pa


Mama bear of 2 playful little heart throb