Wala naman po masama na mag-apply ka nang sabay-sabay, mas mainam nga po iyon kaysa naghihintay ka pala sa wala. Ang advise ko lng po, yung applyan nyo ay yung talagang gusto nyo lang rin talaga para iwas dilemma kapag nandyan na yung offer pero hindi nyo naman pala talaga gusto yung trabaho. As for other offers, I suggest na basta maging honest ka sa inapplyan mo. Like, if in-offeran ka na tapos may hinihintay ka rin results from other company, sabihan mo yung nag-offer na sayo kasi it's not fair rin naman sa kanila. Possible scenario, si 1st coy, pwede willing to wait, or pwede rin naman ma-turn off at bawiin yung offer nila-- which is dapat handa ka ring mangyari kung sakali. If willing to wait sila, at least alam mo rin na talagang gusto ka ng company at kaya kang "ipagtanggol" 😉
Nangyari sakin dati nung medyo newly grad pa lang ako, may nag-offer na pero mas gusto ko yung isang in-applyan ko na wala pang result. Willing to wait si Coy A, then tumawag si Coy B, ok na yung application ko at maghintay na lang daw ulit ng tawag. Medyo matagal mag-update si Coy B, at nahiya na rin ako paghintayin si Coy A so nagdecline na ko. Ang ending, hindi na ko binalikan ni Coy B at back to zero ang job hunting ko 🤷♀️ So yeah, be aware lang of those possibilities. Kaya after that, I make it a point na yung aaplyan ko at yung gusto ko talaga para kapag pasok naman yung offer nila, kaya kong magcommit agad without having second thoughts ☺️
Magbasa pa