Mga wifey binibigy ba ni mr nio ang whole salary nea sa inyo or nagbbgy lng siya ng certain amount para sa pangangailangan nio sa araw araw even you are working too?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

to tell you honestly, hindi lahat ng lalaki tapat sa asawa pagdating sa pera. experience ko yan, nung working pa ako ay hindi ako nakaranas ng abutan nya ng sweldo nya, which is my fault kasi hindi ko sya inubligahan at hindi ako nagsalita, pero nang ma-stop ako from working ay dun ako nagkaroon ng pagsisi and self pitty kasi nasanay syang ganun. kaya as early as possible ay magsalita ka sa kanya, obligation talaga ng lalaki na ibigay ang sweldo nya sa wife ng buo at walang itinatago. actually ang "aras" sa kasal ay yun ang kahulugan ng iabot ng lalaki sa babae ang aras ng buong buo sa babae.

Magbasa pa

Yes. Nasa akin yung ATM card nya, then binibigyan ko lang cya ng allowance para sa transpo nya, he prefers na mag commute kesa mag dala ng kotse kasi mas nakapahinga din cya mas cheaper kapag nag commute cya, and free naman food nila. Pero lahat ng expenses sa bahay ako na nag mamanage. Even though na magastos talaga ako and sobrang tipid nya, pinagkatiwala pa din nya sken yung oag handle ng pera. So pag may natitira sa savings na namen yun and allowance ko na din. :)

Magbasa pa

Besides sa mga gastusin sa bahay i let him keep whatever is left of his salary. For me kasi pinaghirapan din nya un kaya i want him na kahit konti lang sa sweldo niya eh magamit nya for himself. Syempre sa hindi nmang masasamang bagay like bisyo :)

yes binibigay nya buo khit mas malaki pa take home nya sakin, ako din ngwwithdraw kc homebased work nya, so nasa bahay lang sya. Ako ngbbudget, pinapakita ko ano2 need bayaran at kung san napunta, kmkuha lang sya certain amount as allowance

Yes binibigay ng buo pati nga payslip ksma khit d ko nmn hinahanap..ultimo mga benifits n nkukuha nya buo nyang binibigay..hindi nmn kasi ako mhigpit sa pera kapag kinapos sya sa bigay ko allowance nya bibigyan ko and ibang mga needs nya..

My husband gives me his entire salary as well so we can consolidate our total income. From there, he allows me to do the budgeting. He doesn't really spend on his own since we both work from home so lagi naman kami magkakasama lumabas.

Mutual agreement namin na ako ang mag mamanage ng finances kase sabi ng asawa ko ay mas mahusay ako sa pamemera samantalang sya ay gastador. Again po, mutual agreement po ito at hindi ko sya pinilit.

VIP Member

ako di pa nmn nag wwork si hubby ksi nag aaral pa sya pero yung allowance nya sakin lagi napupunta. binibili nya ng gusto kong kainin kaya minsan hinahatiran ko nlng sya ng lunch sa school nila.

Combined income kami sa bahay so lahat ng sahod ni mister ay binibigay sakin. Tapos isasama ko sahod ko then saka ko ibabawas ang mga gastos including allowance namin dalawa at savings.

VIP Member

may specific amount since nakatira kami kasama mama nya. nagbibigay sya sa mama nya ng pang budget sa bahay then specific amount para sakin budget for my baby like diaper and vitamins.