Sharing my sadness

May mga times tlaga na bigla ka malulungkot..at maaalala ang baby mong yumao,na hindi mo man lang nahagkan at nakita sa una at huling pagkakataon. Na sana may pic. Sya front, habang fresh pa at wala sa freezer. Maaalala ang masasayang araw nang pagbubuntis, mga gamit na nabili para sa kanya. Bigla na lang malulungkot, at tutulo ang luha.. 35 1/7 weeks sya nawalan ng heartbeat.. #FTM #preeclampsia

Sharing my sadness
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

stay strong mi! last year march 2022 i also lost my angel baby 37 weeks and 5 days due to unknown reason.. yung araw araw naiyak ako lalo sa gabi kasi sising sisi ako lalo sa sarili ko. After 4 months, binalik siya saken. Nabuntis ako ulit, andon yung takot kasi baka maulit ulit yung nangysari pero napakabait ng Diyos. March 2023 nanganak ako sa healthy baby girl ko, binalik lang sya saken with the same gender, same EDD and 3 days lang yung pagitan nila ng ate nya nong pinanganak ko. I gave birth to my angel baby March 12,2022 and I gave birth to my rainbow baby March 15 2023. Soon mamsh! lahat ng sakit, hirap, iyak, magiging worth it lahat yan. Magtiwala ka lang babalik din yan sayo πŸ˜‡πŸ˜Š

Magbasa pa

sorry for your lost mi . ify namatayan din ako ng anak sobrang sakit halos gumuho ung mundo ko akala ko mababaliw nako kakaisip kase wala akong ibang sinisi kundi sarili ko . sa tuwing nagsisimba ako lagi akong humihingi ng tawad sa kanya na sana mas naalagaan ko sya sa tyan ko noon . hanggang sa matanggap ko na napatawad ko narin sarili ko bigla syang bumalik sakin 4 months preggy ako ngayon at sobra sobra ung pag iingat ko . in gods perfect time lahat ng kinuha nya satin ibabalik rin nya magtiwala kalang β™₯️ btw 8 months sya nung nawala sya sakin due to preterm labor .

Magbasa pa
Post reply image
TapFluencer

My heart goes out to you mommy, I also have an angel baby boy last 2020 33weeks siya premature labor at nawalan ng heartbeat din nag 3 years old siya last March. Now may rainbow baby boy na ako at mag 9 months na siya. Maswerte tayo mommy kasi napili tayong maging mama ng mga angels πŸ˜‡ soon babalik din siya sayo at mas magiging healthy at happy siya 😊 hindi pa cguro time na mabuhay siya malalaman mo ang lahat ng reasons in the right time mommy 🀍 be strong at stay healthy para pagbalik niya readyng ready kana πŸ₯°

Magbasa pa

Pakatatag ka mie, nawalan n dn ako ng baby sobrang sakit na halos sisihin ko ang sarili ko noon kasi nasa loob sya ng sinapupunan ko, pero alam mo after 3yrs narealize ko may dahilan pala ang lahat, pinatatag kme mgasawa at lalu kmi ngtiwala sa Diyos na merong blessing prn xa n ibbgay smen..and ngayon nkasma ko na ang baby ko..at pinangalanan ko xa jiah(beautiful)miracle, kaya wag kang mawalan ng pagasa ha mie..magpakatatag ka..iiyak pero nd susuko..πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ’•πŸ’•πŸ’•

Magbasa pa

sobrang hirap po as in mawalan ng anak nakakamiss lang yung mga kicks nya noon nung nasa tummy ko pa sya I feel you po kase ganyan den ako sa first baby ko nilabas ko po sya ng sakto sa 8months nakakalungkot oo kase isang buwan nalang aantayin ko para makita na sya kaso 8 months pa lang lumabas na sya bago pa po ako paanakin tinignan pa heart beat ng bby ko kaso wala naden heartbeat sobrang dinudugo na kase ako non 1yr and 5months na sya sa heaven at ngayon 32weeks and 2days na po akong preggy hehe

Magbasa pa
1y ago

Hoping for a child din ako. In God's perfect time.πŸ™πŸ™πŸ™ stay safe mi

It happens to us 2 years ago, sobrang nakakalungkot, gabi gabi ako umiiyak nun. Hanggang ngaun namimiss ko ang baby ko. Ipagpray mo lagi mii ganyan ginagawa ko ipinagdadasal ko tuwing sasapit ang date ng kanyang birthday (monthly birthday). Nagrorosary ako at nagsisindi ng kandila. Unti unti nababawasan yung pain na nararamdaman ko at the same time yung acceptance kung bakit ngyari yung ganun sa baby ko. Prayer lang mii. πŸ™πŸ’™

Magbasa pa

I'm very sorry for your loss. Sharing with you a "quote" from the grief therapy I'm reading. I also lost my daughter last March 2022. Healing has no timeline, so cry if you need to. I wish I can tell you that things will get better, but the truth is, the pain will never go away. Sabi nga, there is no way out of grief, only through grief. Hugs for you and for all the mothers/parents who lost their child(ren) 🀍

Magbasa pa
Post reply image

Masakit ang mawalan ng anak. Namatayan din po ako ng anak, 36 weeks po siya nung ipinanganak ko. 2 days po siyang inobserbahan, then 2 days din po siyang lumaban na nakatubo. 4 days lang itinagal ng buhay niya. Mag-1 year na po sana siya Next Month. Pero ngayon po buntis na po ulet ako, 8 weeks na po.

Magbasa pa
1y ago

same tayo 4 days lang itinagal ng baby koπŸ₯Ί

Same tayo myy namataydin yung first born baby girl ko last year, days lg tinagal niya. Cs mom din ako pero after 6months nakabou ulit kami myy another blessing na naman ang bingay ni God sa amin and its a girl again❀️ Due date ko na next month myyy. Pray ka lang myy ibabalik yan si baby sainyo tiwala lg kayoπŸ™β€οΈ

Magbasa pa
1y ago

Akala ko po pwede mag preggy 1-2 yrs. After CS.

masakit talaga pero kakayanin mo din. ganyan din nangyari sa 1st born ko twins parehong lalaki. deads na nung nailabas ko babies ko nakita ko pa sila pinakita sakin ng doctor ko, nakita ko ulit bago sila icremate. wala eh ganon talaga ang buhay.

Magbasa pa