nakikitira sa byenan

Mga sis sino po dto nakatira sa parents ng husband nila? Ano po share nyo sa bahay?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung bago bago palang kaming kasal ni hubby at nakikitira kami dito sa kanila, lahat libre.. Pero matindi magparinig yung mil ko e.. Sabi pa nga nya maganda daw na bili kami sarili namin pagkain na pwede namin maluto na pag sa amin lang ni hubby or mga gamit namin (tulad ng sabon, kape, etc..) Tapos eto na, lumipas mga months nung medyo nakakaipon ipon na kami, nagstart na ako bumili ng sarili namin pagkain at gamit ni hubby, na itinatabi ko sa kwarto namin.. (Kasi naexperience ko na pinapakilaman or ginagamit nila ung binibili ko para samin ni hubby). Pero nakakainis lang din kasi kahit ginawa ko naman yung sinabi ng mil ko makakarinig ka pa din ng hindi maganda..

Magbasa pa

Nakatira kame ng husband ko sa bahay nila, wala naman kaming masyadong gastusin binibigyan pa nga ako ng allowance ng byenan kong lalaki mabait sila syempre every sahod naman ng asawa ko nag bibigay din kame inuutusan ko asawa kong bigyan yung magulang nya kasi nabibigyan din naman kame tulungan lang kame dito sa bahay. Bihira lang kame makapag usap ng byenan kong babae kasi laging 9-10pm na ang uwi galing work kaya pag day off lang nya kame may time.

Magbasa pa

Kami andito sa baha nila biyenan and share namin is ilaw, 2k+ a month pero the rest sakanila na. Naiintindihan din kasi nila na for a while need na namin mg ipon at magiging dalawa na ang baby, siympre din ayaw nila kami malayo sakanila.

Super Mum

Pag nakabakasyon kme sa bhay ng biyenan ko, minsan groceries tapos mag aabot dn si hubby ng pera sa mama nya at si mama na bhala. Wala po kmeng problema doon pagdating sa gnyan kasi ang bait po ng byenan ko at npaka matulungin.

Depende sis. Kung parehas kayo may work ng hubby mo pwede kayo magshare sa kuryente at tubig. Kung si hubby lng work, kuryente lng. Tska kung may kaya nman byenan mo

Nung nakatira kami dun para din kaming nangupahan. Kung magkano ung dapat na bayad namin sa rent including utility bills eh un ang inaabot namin sa byenan ko.

VIP Member

Lahat share ni hubby. 🤦‍♀️ sya na halos gumagawa ng paraan pag may problema sa bahay. Naawa na nga ako sakanya stress na stress na sya

Half ng electric bill yung share namin. Tas sariling groceries kami. Pero yung food namin ng lunch and dinner, in-laws ko na bahala.

VIP Member

Kmi noon. Wala.. libre kmi lahat 😁 pero now sariling bhay na c/o my byenan din bahay nmin.

Salamat sa Dios hindi ko naranasan makitira sa byenan ko. Nagsarili agad ksmi ni hubby ko.