Baby Gender Reveal
Mga sis share ko lang.. Ang saya lang sobra! FTM here😊 Nalaman na kasi namin gender ng baby last night. We had a simple gender reveal kahit kami lang ni husband sa bahay ka video call namin mga pamilya namin and some of our closest friends kaya ang saya pa din. Kahit late na ng gabi yung reveal kasi si Mama ko nasa ibang bansa so we waited for her na mag out sa work😂 Nung Tuesday I had my Congenital Anomaly Scan (CAS) as recommended by my OB kasi I had history of sugar level shoot up early on my pregnancy. Just to rule out any abnormalities or kung meron man baka ma remedyohan pa habang maaga lalo na sa heart kasi pag mataas pala sugar natin ang natatamaan is yung heart ng baby natin kaya sobrang mag iinga talaga tayo mga sis. And thank God lahat naman ng organs niya normal including her face, lips and ears.❤️ For the gender reveal, kahit kami lang nga dalawa ng husband ko nag request pa din kami to seal the gender para may surprise naman haha. Dapat yung friend ko ang magiging gender keeper kaso she had to go back to her condo because of work. And we can't wait on Sunday pa masyado na matagal. Our families and friends were all so excited already. So, what happened our gender keepers turned out to be strangers - mag asawa sila na may ari nung store kung san kami bumili ng balloons and some of the decors. Buti nalang talaga napaka game nila mag asawa na gawin yung request namin for gender reveal. Thanks to them naging successful yung reveal namin❤️ I read this one article where it says that as a mom mararamdaman daw natin kung ano magiging gender ng baby natin. As for me, ramdam ko na talaga na baby girl siya. Kahit yung mga signs they all pointed out to be a girl. Though I know hindi naman lahat umaayon sa kung anong gender yung mga signs na nararanasan natin. But I tried this pendulum na sinasabi nila when I was still on my 3rd month at yung galaw ng ring was saying it's a girl😂 yung cravings ko puro sweets - cakes and ice cream😂 at yung tiyan ko pabilog. Yung friend ko din hula niya girl kasi I have a thing for pink color nga daw😂 and sobrnag favorite ko si baby Zia Dantes and baby Zoe Miranda mga sis. Ang gagandang mga bata!😍 Though wala naman akong gender preference but before I got married I always wanted my oldest child to be a girl. Kasi sa amin magkakapatid ako lang babae at bunso may dalawa akong kuya and lumalabas para ako yung panganay kasi I have sense of responsibility na wala sa mga kuya ko😂 at nung nakilala ko husband ko and I learned na bunso din siya at may dalawa siyang ate mas lalo ko ginusto na babae magiging panganay ko kasi yung mga ate niya very responsible. Pero resposible din naman husband ko late nga lang siya nagkaroon ng sense of responsibility but thankful pa din ako❤️ Answered prayer to have my first baby as a GIRL! Kaya ngayon feeling ko nasa cloud 9 pa din ako.🥰 at salamat sa app na 'to ang dami kong natutunan from you my fellow mommies! May we keep on helping, lifting and inspiring each other! Small things can go a long way lalo na sa mga first time mom.❤️
Wanderlust. Traveller. A wife to Superman. First time mom to a milk monster baby girl.?