Hindi nag bibigay si partner/mister

Hi mga sis. May isshare lang po ako. My baby is 11 months old. Hindi pa kami kasal ng boyfriend ko. at hindi pa rin kami magkasama sa isang bahay. Taga bulacan siya ako naman ay taga manila..but every 2 weeks umuuwi siya sa amin. Parehas kaming may work.. mas matagal na nga lang akong may work compared to him. Naiintindihan ko naman sitwasyon niya na maliit ang sahod niya. Gusto man niang magbigay,pero kulang talaga ang sahod niya lalo nat lately may mga dapat ipaayos sa kotse niya.. so ang ending ako lahat ang gumagastos pagdating sa bata. Diaper, vaccines, vitamins etc. Kaso napapansin na ng parents ko na bakit parang ako lang daw ang gumagastos. Ayoko naman masira ang boyfriend ko sa side ko. Kaya quiet nalang ako. Pero minsan naiinis na rin ako sa bf ko na parang mas priority niya pagpapagawa ng sasakyan kesa sa needs ng anak namin.. minsan kasi napapansin ko rin na lagi siyang nag iinquire sa online store ng mga parts ng kotse or something about cars. Yung pagintindi ko saknya, lagpas lagpas na. Kasi kung tutuusin kaya ko naman iprovide magisa ang needs ng anak namin. Kaso sa part ko,paano siya matututo. Lalo nat may anak na siya at di na siya binata.. Gusto ko man iopen up sknya kaso for sure ma mimisinterpret niya. Ayokong maging issue smen ang pera pero ung sense of resposibility niya as father? Parang d nia pa nararamdaman. Lalo nat alam niang kaya ko iprovide ang needs ng baby namin. Ano po kayang pwedeng gawin or sabihin sknya na hindi offending sa part niya?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bigyan mo po xa ng obligasyon sa needs po ng baby nyo like for example ung sa diaper,vitamins or vaccines hingian mo xa...kasi hanggat hindi mo xa inoobliga hindi yan mgkukusa lalo n kung nakikita nya n ok lng sau at pinapakita mo n kaya mong iprovide.encourage mo xa mgkaron ng part sa responsibilities sa anak mo pra maisip din nya n hindi n dapat buhay binata dahil may anak n xa n kailangan nyang suporthan.and xempre pag kinausap mo xa ung sa paraan n maayos at nakakaencourage pra hindi xa mging defensive...turuan mo xa n mging responsible at wag mong hayaan n makasanayan nya ung ganyang style hanggang sa pglaki ng anak nyo...

Magbasa pa

Paano nya mlalaman un gusto mo ipaintndi sknya kng ndi mo sya kakauspn about it?? Ndi nya mahuhulaan un. Although dpt tlg mas magfocus sya ng gastos sa anak nyo kaysa sa accessories ng car nya.. mostly sa mga lalaki ndi nla mdalas naiisip na dpt pla ganito or ganyn gawin lalo na pag bata pa.. tau ksing mga babae mdali lng tau magmature. Plus the fact na pmapayag ka ng gnn iniisip nya ok lng.. ok lng mnsan pero kng lgi nya na ggwn un kaw nlng smasagot dapat kausapin mna sya..

Magbasa pa

Wrong, very wrong. Hinayaan kasi na isipin niyang okay lang sayo, kaya mo naman. Magdemand ka mommy. Hindi dapat priotity ang kotse. Ako guilty din jan. Pero iworkout natin to. Ako unti unti ko kinakausap si mister. So far nagiimprove naman. Hindi agad agad pero natututo na siya i sacrifice ng unti unti yung mga wants niya at unahin yung mga needs ni baby. Tho di pa lumalabas si baby kaya okay lang. Step by step.

Magbasa pa
VIP Member

if di pa sya kakausapin well ganyan na kau forever..mahirap ipaintindi ang sense of responsibility pero hello may anak na sya dapar naiisip nya na muna ung kelangan ng anak nya..bago sya bumili ng mga gamitcsa kotse nya naiisip nya muna kung anung kulang na gamit ng anak nya..pag naging kau tlga..gudbye mamsh baka wala kaung ipon..habang lumalaki anak nyo mas dumadami pangangailangan nysn

Magbasa pa
VIP Member

Hindi po iyan maaus qng d kau maguusap..d pa kau kasal dba kaya ang isip nyan nasa luho pa kahit may baby na kau ..usap po kau share mo qng ano dapat nya malaman in a nice way wag mo muna pangunahan na ma offend sya lalo na malau work nya bka d lang yan ang pag ka abalahan nya d pa sya lagi nauwi naku mommy ausin moluna habng maaga pa wag na palalain ba👍🏻

Magbasa pa

kailangn mo tlga syang kausapin sa bagay na yan... walng mangyayari kung di mo kakausapin cxa..at baka occupied na yung isipan nya sa pagpapa.ayos ng kotse..e remind mo lng cxa na mai baby kau na mai mga gastusin din na iba....wag karing masyadong ak ng ako ng gastusin e share mo rin sa kanya yung mga kailangn nyo

Magbasa pa

Malabong usapan yan sis. All the more na hindi kayo nagsasama sa iisang bubong. Hindi niya mararamdaman yung bigat nang responsibilities niya sa inyong magina. Never bag work yung ganyang setup. Mag f'feeling binata talaga yung tatay nang anak mo kasi pakiramdam niya wala siyang masyadong obligasyon sa inyo.

Magbasa pa

Ipa intindi mo sa kanya na hindi na sya binata mas priority na nya DAPAT ung anak nya kesa sa kotse nya. Grabe pg dating sa kotse meron pg dating sa bata wala? Tsk. Ung asawa ko may pagawain dn sa kotse nya pero never nya inuna un, kc alam nya may obligasyon na sya at mgkaka anak n kami.

VIP Member

kailangan ba talaga me sasakyan? Napakamahal mag maintain ng sasakyan. Tapos kakarampot lng sweldo nya bakit inuuna ang sasakyan laking mayaman ba yan partner mo? bakit di nalang sya mag bus or mrt/lrt para makatipid Tapos kesa yung pinanggagastos nya sa sasakyan nya eh ibigay sainyo.

VIP Member

Siguro sis ipa-intindi mo kay partner na may baby na kayo na dapat ipriority than his leisure. Sasakyan niya yun, nagagamit niyo din wala namang masama dun. Pero need ng gumastos para kay baby at siya naman isipin kesa sa sira ng sasakyan.

6y ago

Thanks po sa sagot sis.. minsan nararamdaman naman niya at nagsosorry siya na wala siyang naiibigay.. kaso parang di ko lang siya nakikitaan ng eagerness para sa needs ng anak niya