Hindi nag bibigay si partner/mister
Hi mga sis. May isshare lang po ako. My baby is 11 months old. Hindi pa kami kasal ng boyfriend ko. at hindi pa rin kami magkasama sa isang bahay. Taga bulacan siya ako naman ay taga manila..but every 2 weeks umuuwi siya sa amin. Parehas kaming may work.. mas matagal na nga lang akong may work compared to him. Naiintindihan ko naman sitwasyon niya na maliit ang sahod niya. Gusto man niang magbigay,pero kulang talaga ang sahod niya lalo nat lately may mga dapat ipaayos sa kotse niya.. so ang ending ako lahat ang gumagastos pagdating sa bata. Diaper, vaccines, vitamins etc. Kaso napapansin na ng parents ko na bakit parang ako lang daw ang gumagastos. Ayoko naman masira ang boyfriend ko sa side ko. Kaya quiet nalang ako. Pero minsan naiinis na rin ako sa bf ko na parang mas priority niya pagpapagawa ng sasakyan kesa sa needs ng anak namin.. minsan kasi napapansin ko rin na lagi siyang nag iinquire sa online store ng mga parts ng kotse or something about cars. Yung pagintindi ko saknya, lagpas lagpas na. Kasi kung tutuusin kaya ko naman iprovide magisa ang needs ng anak namin. Kaso sa part ko,paano siya matututo. Lalo nat may anak na siya at di na siya binata.. Gusto ko man iopen up sknya kaso for sure ma mimisinterpret niya. Ayokong maging issue smen ang pera pero ung sense of resposibility niya as father? Parang d nia pa nararamdaman. Lalo nat alam niang kaya ko iprovide ang needs ng baby namin. Ano po kayang pwedeng gawin or sabihin sknya na hindi offending sa part niya?