SSS CHANGE STATUS

Hi mga sis, hingi lang sana ako ng advice. Ano po bang mas magandang gawin ko, ikakasal kami sa civil ng partner ko sa December 9, then ang EDD ko po is December 31 pero sabi ng ob ko baka 3rd week ng december manganak na ako. Do I need to change my status sa sss agad agad? Baka kasi magkaproblem ako pag kinuha ko na ang mat ben ko. Or should I wait muna na makuha ang mat ben ko, then after ko makuha mat ben magpachange status na ako. Then si hubby kasi hinahabol niya yung 7 days paternity leave kaya gusto niya magpachange status agad ako after ng kasal. What do you think mga mommies? Salamat po sa answers! ???

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, pwede mo itry muna magchange status sa philhealth, mabibigyan ka nila agad ng updated na ID mo. Inaaccept na din un ng SSS incase hanapan ka nila ng bagong ID. Kakapachanged status ko lang dn kasi ang advised sakin ng philhealth, ichange status ko na para di magka aberya sa hospital and sa birth certificate ni baby kung sakali. Pag sa hospital kasi name na ng asawa mo gagamitin nyo ni baby. Kaya ayun, priority lane ka naman sa SSS so saglit nalang asikasuhin un basta complete requirements mo. Mat1 form, Proof of pregnancy, certified copy ng marriage contract from munisipyo (kahit di pa PSA copy kasi matagal) at valid IDs, ipaphotocopies mo na lahat yan. Then kuha ka na agad ng form para sa change status para sabay sabay na and form para sa UMID mo.

Magbasa pa