Late filing of SSS Maternity Notification: What to do?

Hi mga sis, first time preggy here. Now lang po ako kapag file ng SSS Maternity Notification ko and I am already at my 19 weeks of pregnancy. Sabi po ng HR namin baka daw ma-late filing na ako, meaning po BAKA DAW HINDI NA MAAPPROVE ang SSS Maternity Notification ko. Ibig sabihin po wala akong makukuhang benefits sa SSS kapag nanganak na ako. Ang rason ay dahil lang late na daw ako nag file ng Maternity Application ko. Ang tamang pagfi-file daw po is from the time na may positive transV result ka na until maximum of 3rd months lang ng pregnancy (12 weeks). I admit at some point may mali ako, kasi I should ask. Pero since first pregnancy ko po ito ang dami ko pang hindi alam. Ang akin lang parang unfair naman kung hindi nila igrant yung maternity benefits ko, active payer naman ako and Contributor ng SSS mula pa nung nag katrabaho ako. Parang hindi naman po tama kung hindi nila igrant yun diba po..? Meron na po bang naka experience na dito ng late filing of SSS Maternity Application and ano pong nangyari? Please give me advice naman po kung ano ang mga requirements and if may sample po kayo ng proseso. Nakakastress po kasi toh eh.. I felt really bad. ? ? TIA.

169 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Saken po sabe ng sss hindi daw aabot yung contribution ko, voluntary po kase gagawin ko. Nagpunta po kase ko this july 31, tas sabe nung sa sss kung huhulugan ko daw po yung sss ko, malabong maapprovan daw kase hanggang july 21 lang daw po ako pwede maghulog. Sobrang nanghihinayang ako, balak ko pa naman sana maghulog ng maximum contribution para malaki rin yung reimbursement na makuha ko pagkapanganak

Magbasa pa
VIP Member

Me i file my SSS Maternity nung 7 months na tummy ko and nakuha ko ang Maternity pay ko nung 1 month na ang baby ko. As long as hindi ka pa nanganganak valid ang MAT1 mo. Mat1 ang unang ibibigay mo sa SSS. Next is the reimbursement form. Hindi pwedeng hindi mo makukuha yan dahil rights mo yan. May rules and deadline din nakasulat sa MAT1 form hanggang kelan mo pwede ipasa ang maternity files mo.

Magbasa pa

Saken po ok naman kakaprocess ko lang ng maternity ko last week and im now 4 going to 5 mos na preggy 1st time ko din pero wala naman hassle kase may makkuha naman daw ako kahit voluntary na lang kase 3mos na ako napending sa hulog sa sss. Tuloy ko lang daw. Nagresign ako sa work. Then may binigay lang na form for the req na papasa from the ospital after mo manganak.

Magbasa pa
2y ago

Dpnde sa hulog mo sis skin kse dati 1,300 hulog ko less than 30k nkuha ko

Hindi naman po totoo un. Ang alam ko kapag late ka lang nag file hihinhigian ka lang ng explanation letter kung bakit na late ang file mo. May kasama nga ako 4months na siyang preggy bago niya nalaman ng buntis pala siya. Ayun na grant pa rin nama ung maternity niya. Kung gusto pumunta ka na lang mismo sa SSS at itanong mo kung anong dapat gawin.

Magbasa pa

No thats not true 24 weeks ako nagpasa ng Mat 1 ko sa sss and january ang EDD ko. baka sa company mo lang po yan. its either bago ka manganak 1 month b4 makuha mo or after mo na manganak makukuha mo pa din. as long na aasikasuhin ng company mo. pero hindi totoo momshie na wala ka makukuha. lalo na kung may hulog ka ng contribution mo.

Magbasa pa

guys ask ko lang po kung may same case ako paano po kaya kung nagkamali ng pag file sa maternity mat2 nailagay ko po kase isa stillbirth/fetal dead eh buhay nman po yung baby ko nagkamali po ako ng nilagay kaya po pala 60 days lang ang nakalagay imbis na 105 days salamat po sa sasagot pupunta po bako ng sss para ipabago?

Magbasa pa
TapFluencer

Hindi naman problema ang late filing..yung friend ko nga nanganak na bago naglakad ng sss maternity nya. Pero mas ok kung habang hindi pa lumalabas si baby eh makapag file na..pagkakaalam ko din 60 days before EDD dapat mafile mo sya. Ako 4 months na ng magfile direct mismo sa sss kahit maty employer ako wala naman problema.

Magbasa pa
5y ago

makakakuha parin po ba kahit nanganak na?

VIP Member

Wala namang late filing mommy. Ako nun ang aga ko nagpunta, around 2mos ang tyan ko, kaso down ang system ng sss. Ang sabi ng personnel, anytime pwede magfile basta before manganak. Bumalik at nagfile ako ng mat notification mga 5mos na ang tyan ko e. Baka tamad lang si HR mag asikaso mommy. Wag ka masyado pastress.

Magbasa pa

Hanggat hindi pa po nanganganak pwede pa mag file ng maternity notification. Then re: maternity claim niyo po,if employed ka po sa pagkakalam ko aabonohan muna yun ng employer mo kung magkano benefits mo. Pagbalik mo po office saka po mag file ng maternity reimbursement kay HR at sila na po mag asikaso nun

Magbasa pa
VIP Member

Di totoo yun sis. I'm also employed 22 weeks na si baby nung nagfile ako ng MAT1 sa company tinanggap nila. And nung nagrequest nako ng Maternity Leave pagka approved nung ilan days lang pumasok na sa atm ko cash advance ng mat benefits ko from company buo pa nila binigay. Punta ka mismo sa SSS office sis.

Magbasa pa
5y ago

63k po mamsh