Assault

Mga sis, binugbog ako ng tito ko na nakikitira samin kaninang umaga. Ang dahilan hindi ko na ma take yung kadugyutan na ginagawa niya sa pamamahay namin. Simula nung tumira sya samin, laging madumi, makalat, pati ipis namamahay na samin. Bagong bago ung bahay namin pero wala pang isang taon pinepeste na kami. Yung pinag kainan di mahugasan, yung pinag lutuan di malinis. Yung pinag inuman ng baso hindi mahugasan tapos ihahalo sa malilinis na baso eh chain smoker sya. Ung tubig tinutungga sa pichel. Araw araw palaging ganito, sinasabihan mo sya pa galit. Kaninang umaga sa sobrang inis ko habang naglilinis ako ng stove di ko napigilan magdabog. Lumapit sya sakin tpos bigla niyang hinampas ung ulo ko sabay sabi "kahit buntis ka papatulan kita" dun na sumabog lahat. Pinag titiisan ko lahat, simula bata kami ng kapatid ko binubugbog niya kmi. Kahit nanay ko pinagbubuntis ako nun, binubugbog niya. Tapos makkitira sya ulit samin na parang walang ngyari. Kinalimutan nalang namin un, tapos bumalik lahat nung sinapak nia ko kaya nakapag bitaw ako ng masasakit na salita. Pumasok ako sa loob ng bahay tapos sinundan niya ko hinablot niya ung buhok ko tapos ingungudngod niya ko sa semento, nung time na un ung nasa isip ko ung anak ko, pinilit ko makawala tapos sinapak nia ko at tinulak sa lababo. Gusto ko na sya patayin nung mga oras na un. Ung mga tita ko tito ko lola ko lahat sinasabi kalimutan ko na. Ako naman daw ang bata. Napakasakit lang na habang ginagawa nia un skin wala silang ginagawa. Sinabi kong ipapakulong ko sya, lahat sila pinipigilan ako. Lahat sila sinasabing baliw ako. Na nakakahiya daw sa mga tao kung gagawin ko un. Ako ang nasaktan, ako pa rin ang mali. Ako pa pinapalayas nila sa bahay n binili ng nanay ko. Mali ba na ipakulong ko sya. Yun kasi yung pinaparamdam ng mga kasama ko sa bahay, na kasalanan ko kaya ako binugbog, pinaalis nila ako sa bahay at nandito ko ngayon parents ng bf ko.. Pag naiisip ko na mas pinoprotektahan nila yung tito kong bugbugero nasasaktan ako na nagagalit. Mas naiisip nila yung kahihiyan pag kinasuhan ko sya.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Salamat sa reply, may blotter na sya at med cert. Ngayon ko lang nararamdman yung sakit sa buong katawan ko, di naman daw ako pwede mag pa skull xray sbi ng doktor. Sabi dun sa VAWC pag nagbago raw isip ko, pwede ako bumalik sa kanila. Pag naiisip ko ung time na lahat sila nagsasabi na maawa ako, matanda na yun, wag akong tanga, wag ko sila bigyan ng problema, ni isa sa kanila walang nagtanong kung kamusta na ko, san ako tinamaan, magpa tingin ako sa doktor lalo akong naiiyak. Nakita nila yung ginawa sakin pero nagbubulagbulagan sila kasi pag pinakulong ko un walang aalaga sa lola ko. Hindi nila maaalagaan. Kaya kahit nabugbog na ko. Ayos lang. Kalimutan ko nalang daw, pamilya naman at magpapasko, nakakahiya. Ako yung umalis sa bahay dala ang ilang damit.

Magbasa pa
6y ago

Malakas ang laban mo sa VAWC sis. Ituloy mo ang kaso, be the first to break the chain of violence sa family mo. Isipin mo ang magiging mga anak mo. If ever kasi na di mo sya kasuhan at makasama mo pa rin sya sa iisang bubong, baka pati mga anak mo makaranas ng pambubugbog nya. Kasuhan mo nang madala, at kung itatakwil ka ng mga kapamilya mo, maybe hindi rin talaga sila matatawag na family mo.