advise needed

mga sis, baka may nakaexperience na parehas sa kin ngayon need po ng advise. baby ko po ay 6 1/2mos pero sobrang kulit at likot. magigising siya ng 5 or 6am then the entire day umaabot na siya ng 4hrs at a time na gising tapos ang nap ay matagal na ang 1hr. minsan nga 20mins lang. ako lang mag isa nag aalaga kasi si husband nasa work ang uwi gabi na kadalasan patulog na si baby. sobrang pagod na pagod na ako. then si baby pa ay madalas ngayon may sumpong. nung una akala ko dahil sa ngipin kaya naging clingy pero out na 2 bottom teeth iyak pa din ng iyak. wala pong sakit, sumpong lang talaga. ibaba man o buhatin iiyak pa din. nagmimigraine nako madalas sa sobrang pagod at di maayos na tulog kasi ako din ang nagigising sa madaking araw kapag need ni baby dumede or magchange ng diaper. minsan feeling ko literal na mabibiyak ulo ko sa sakit at pintig pero ako lang kasi mag isa kaya minsan napapaiyak nalang ako kasabay ni baby. hoping na stage or phase lang to ni baby. may ganito din bang behavior si baby nyo at 6mos? baka po may mashare kayo advise pano po better ihandle.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply