advise needed

mga sis, baka may nakaexperience na parehas sa kin ngayon need po ng advise. baby ko po ay 6 1/2mos pero sobrang kulit at likot. magigising siya ng 5 or 6am then the entire day umaabot na siya ng 4hrs at a time na gising tapos ang nap ay matagal na ang 1hr. minsan nga 20mins lang. ako lang mag isa nag aalaga kasi si husband nasa work ang uwi gabi na kadalasan patulog na si baby. sobrang pagod na pagod na ako. then si baby pa ay madalas ngayon may sumpong. nung una akala ko dahil sa ngipin kaya naging clingy pero out na 2 bottom teeth iyak pa din ng iyak. wala pong sakit, sumpong lang talaga. ibaba man o buhatin iiyak pa din. nagmimigraine nako madalas sa sobrang pagod at di maayos na tulog kasi ako din ang nagigising sa madaking araw kapag need ni baby dumede or magchange ng diaper. minsan feeling ko literal na mabibiyak ulo ko sa sakit at pintig pero ako lang kasi mag isa kaya minsan napapaiyak nalang ako kasabay ni baby. hoping na stage or phase lang to ni baby. may ganito din bang behavior si baby nyo at 6mos? baka po may mashare kayo advise pano po better ihandle.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Relate ako dito momsh. Turning 8 mos na po si lo ganyan pa rin behavior niya ang aga niyang gumising simula mag 5 mos po siya ang longest nap niya ay 1 hour after bath and by 4 pm. Ginagawa ko lang ay sinisiguro ko busog at naka dede na si baby. Pinaglalaro ko lang siya ng toys hanggang sa gusto na magpabuhat. Dina divert ko lang attention niya para maging busy rin siya while ako nag lilinis ng bahay ...

Magbasa pa
5y ago

mabilis magsawa sa toys anak ko sis. sandali lang ayaw na nya. kahit ipapanood ko ng tv or videos sandali lang ayaw na. mas gusto nya kami ang maglalaro or nasa labas mag iikot kaso syempre di naman pwede lagi sa labas lalo sa weather na paiba iba at madalas umaambon or umuulan. kaya ang gawa ko sa bahay kelangan matapos within the 20min to 1hr nyang naps.

Ano pong gatas ng anak mo? Kumakain na ba sya? Baka po kasi dahil sa sugar kaya super hyper si baby.

5y ago

nan sensitive po milk nya. since over a month old siya. yun po kasi nahiyang nya. una talagang gatas nya nan optipro hw kaso di po siya lagi mapakali so pinalitan po ni pedia ng similac tummicare, problem naman naconstipate siya kaya 3rd milk nya na tong current namin na nan sensitive. yes, nagssosolids na siya pero almost lahat homemade. mga boiled and mashed fruits and veggies. favorite currently ay mashed potatoes and mashed squash.