Pampakapit
Hi mga sis. Ask ko lang kung niresetahan rin ba kayo ng pampakapit ng ob niyo? 2 months preggy ako, nung 2nd visit ko sa ob ko, niresetahan niya ko ng 3 klase ng gamot. Ung dalawa 1x a day ,tapos ung isa pampakapit daw 2x a day ang inom. Ang concern ko kasi is, ang mahal super nung pampakapit, 80 ang isa. Maryosep tapos twice a day pa.
Yes po sis. once a day lng nman ung akin then good for 1month sya. 6wks and 3days ako nag start uminom. Isoxilan nsa ₱20+ each.
Binigyan din po ako ng pampakapit nung 2nd month ko. 3x a day pa. 90 per piece ang gamot. Pero inisip ko para kay baby na lang.
Ganyan din po sakin uminom din po ako ng pampakapit nung 1 1/2 yung tummy ko tapos nung nag 3 na kase lagi ako dinugo .
Heragest sakin. 60.00 each twice a day. Good for 1 month. 😊 wala na kong pera pero gumagawa padin paraan para kay baby..
Heragest po sa akin. Nakalimutan konanyung isa hehe. Yung heragest po pinapasok sa pwerta then yung isa was taken orally
Ung duphaston 3x a day for 1week.. ang mahal nga nya.. buti nalang sa hospital ako nagtatrabaho kaya free lang sakin..
Yes po momy nung 1st tri ko. Niresetahan din po ako ng pang pakapit..un nga lang po medyo mahal lang po tlaga ang isa.
sakin po duphaston lng po 28pcs 2months ako that time and hemmarate fa every once in a day lng. now im 22 weeks na.
Kahit po ako nagtetetake ng duphaston and duvadilan. Pero 1x a day lang po. Tsaka tig 50 ko lang nabibili sa ob ko.
yes po. Duphaston. may kamahalan nga po. marami pa akong natira dito kung malpit lng tayo ibbigay ko nalang. 😊