Couzin in-law

Hi mga sis, advice naman. Dapat ba akong magalit, magselos? Or hindi? Ganito kase yung babaeng pinsan yung hubby ko sobrang close niya sa asawa ko, yung tipong kapag dadating siya ng bahay (kasama kase namin siya sa bahay eh, dahil ng work niya) so yun nga pagdadating siya, yayakapin at ikikiss niya hubby ko sa pisnge kahit kaharap ako, umiiwas naman na hubby ko pero ginagawa niya kase yun pag kumakain kami tapos nakatalikod hubby ko and yun dun niya gagawin syempre hindi alam ni hubby, diba po nakakabastos? Parang wala siyang respeto sa akin. Nasasaktan ako, oo hindi ko dapat sya pagselosan kase pinsan siya and sabi niya ganon dw talaga siya, pero okay lang sana kung sa lahat ng pinsan niya na lalaki eh ganon siya, kaso sa asawa ko lang siya ganon e ? tapos eto pa yung pinaka diko nagustuhan sakanya nung time na naguusap kami ni hubby tapos sabi ni hubby "Nagiisip ako ng kakainin ko" tama ba yung sumabat siya na "AKO" Tama lang ba yun mga sis? Ayoko naman ng ganon, nakakabastos eh. ? Need advice po.

181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

palayasin mo n .. dina yan pinapatagal

Dapat komprontahin mo ung babae sis

My something sa knla..believe me

5y ago

Yes feeling korin may something yan baka todo tago lang ung asawa niya pero ung babae hinde kayang itago kc makati talaga siya or gusto niya na magkaproblema sila.. Minsan din kc tayo ung manhid eh ung lantaran na ung evidence pero dahil iniisip natin na mabuti silang tao at d nila kayang gawin ung nasa isip mo balewalain mo nalng un pala tama ung kutob mo magsisi ka nalang sa huli. #Hugot!

Palayasin mo may masamang balak ya

VIP Member

Ang weird naman ng cousin ng asawa mo po.

Parang di naman pinsan yan 😅

Nakakairita yung ganyan. 🤨

VIP Member

Palayasin na yan agad agad.

VIP Member

Sure ka bng pinsan yan???

kire ni ate hahahahaha