Mali ba kapag pala ayos ang nanay?
Mga parents ok lang po ba na kahit nanganak kana at mommy kana magtry ka padin magpamper ng sarili mo? Hindi naman po ako ganun maluho sa katawan pero alam ko naman po na alam niyo ang vanity natung mga babae gusto natin maayos tayong lalabas ng bahay. I'm afraid po kasi na baka mag ayos kalang isipin na nila na inuuna mo pa ang sarili mo kaysa sa baby mo? Para po sa medyo may edad nang mommies ano pong masasabi niyo?
Mas okay nga po mommy na pala ayos pa din as long as naasikaso naman ng maayos din si baby. Nakakaboost din kasi ng self- confidence pag ganon di ba. ❤
Kung san ka comfortable momsh,go.. nature mo na kasi talaga maging palaayos. Wag mo na lng pansinin sasabhin ng iba, para iwas stress kna din hehe
normal lang naman na mag ayos ang isang babae lalo na pag may asawa na... ako nag aayos pa naman ako paro hindi naman ako ganun ka losyang hihihi
oo naman mommy. d masama yun as long as d napapabayaan ang family. pamper urself din minsan. d naman nkakabawas sa pgiging mabuting ina yun. 😊
ok lang nag ayos para sa sarili mo at sa asawa mo..basta yung anak mo hindi din naman madumi dapat pareho kayong maayos para wala masabi ang iba
Uu naman po momsh, hindi purket may mga anak na po tayo at asawa pababayaan at magpapakalosyang na po tayo hehe, love your.self😍
yes po syempre, pag nasa bahay ako no ayos pero kapag mag supermarket or palengke i make sure na ayos kilay, tint, blusher.
Oo dapat meron talaga!!! Kaso ako minsan haay. Tho I am asking me time sa husband ko minsan naiibigay naman niy.😊
Agree ako sa dapat mag ayos pa din kahit nanay na.. okei lang yan as long as hindi napapabayaan si baby..
Hnd nmn..its up to you po, xempre as a woman nagpapamper dn tau mg sarili natin..Need natin un eh..