Mali ba kapag pala ayos ang nanay?

Mga parents ok lang po ba na kahit nanganak kana at mommy kana magtry ka padin magpamper ng sarili mo? Hindi naman po ako ganun maluho sa katawan pero alam ko naman po na alam niyo ang vanity natung mga babae gusto natin maayos tayong lalabas ng bahay. I'm afraid po kasi na baka mag ayos kalang isipin na nila na inuuna mo pa ang sarili mo kaysa sa baby mo? Para po sa medyo may edad nang mommies ano pong masasabi niyo?

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dipende naman. Kung nag aayos ka at yung anak mo di maayos maybe yun ang iisipin nila. Pero ako kasi maayos din ako sa sarili ko like gisto ko ganito ganyan pag nakita ako ng mga tao sa labas lalo na mga mapang husga pero as long as na wala silang nakimitang mali sa ginagawa ko go lang ako ganon din sa mga anak ko. Ayaw ko naman mag mukhang losiyang na kahit nanay na db.

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang yan sis. As long as alam mo sa sarili mo na di mo pinapabayaan ang anak mo..hirap naman kasi kung super ayos ka sa sarili pero ang anak dugyot tignan. Dedma sa sasabihin ng iba. Ganyan talaga. Mga insecure lang yun pag ganun. Kung alam mo naman na nagagampanan mo ng maayos yung responsibilad mo, walang problema dun πŸ™‚

Magbasa pa
VIP Member

nag aayos nmn ako sis pag lumalabas ng bahay, basta uunahin ko muna ayusin junakis ko, s pampering nmn momsh mdyo nahihirapan ako isiksik un kc nagwowork ako weekdays tpos gusto ko alagaan mag ama ko pag weekends so madalang tlga un, pag wala n tlga choice sasabihan ko n c hubby tpos sasamahan nila ko s salon😁

Magbasa pa

traditional mindset po yang ganyan.dati cnabihan din ako ng in law ko na di ko ndaw dpat bantayan katawan ko,dapat kain daw ako ng kain kasi may asawa na ako.but i didnt listen kasi hindi naman ibig sabhin may asawat anak kna magpakalusyang ka.sarap na nga magparebond pero bawal pdaw ksi,kya tiis tiis nlang muna.

Magbasa pa

Okay lang yan basta wag pabayaan ang mga anak at asawa syempre pati gawaing bahay. Ako nag aayos pa din kasi asawa ko mismong bumibili ng mga damit at gamit ko (make up,bag,wallet halos lahat yata) 😁😁😁pati buhok ko siya nagpapaayos sa salon. Kaya ayos lang yan hayaan mo ibang tao inggit lang yung iba.

Magbasa pa

same feeling ko naun πŸ˜‚ I am slowly going back to my usual self na mhlg manamit/mag OOTD, bmblek na ng punti unti un confidence ko pero un nga worried dn ako baka iniisip nla na inuuna ko self ko kaysa ky baby. going 4 months na si baby naun month. ayuko dn kc na mukha akong losyang. πŸ˜‚

Wala namang masama sa pagiging palaayos. Nakakauplift pa nga ng self esteem pag alam mo sa sarili mo na maayos ang itsura mo. As long as alam mo na hindi mo napapabayaan anak mo, you do your thing. Mas mahirap yung mapapabayaan mo sarili mo then mai-stress ka dahil ganto ganyan. :)

VIP Member

Ako mahilig ako mag ayos sa sarili. Kung ano kasing itsura nating mga wife, ibig sabihin ganon tayo itrato ng husband natin. Yung asawa ko palagi nya ako binibili ng mga pampaganda at tini treat sa salon para magpamper kasi deserve ko daw yon. 😊

ok lng yan momsh.. di nman porket may anak na, magpaka losyang ka na ehh πŸ˜‚ basta di napapabayaan si baby, ok lng yan 😊 si hubby ko nga sabi nya sakin, khit my baby na raw kmi, mag ayos pa rin ako para stay pretty pa rin 😊

VIP Member

Pag nag ayos, pinapabayaan anak. Pag di nag ayos, losyang. Hayaan mo lang sila mommy! Kahit ano naman gawin mo may mga tao talaga na may masasabi at masasabi sayo. Basta kung san ka masaya yun ang gawin moπŸ₯° love love love