Kahalagahan ng Bakuna

Mga Nanay! Panibagong taon nanaman at maaring may mga panibagong sakit din ang pwedeng magkaroon ang mga anak natin. Updated na ba sa Vaccines si baby? Alamin natin kung bakit nga ba kailangan natin Pabakunahan ang ating mga anak. Basahin mo to Nanay, lalo na kung first time mom ka. Ang natural na panlaban sa sakit, ang resistensiya o immunity ng isang sanggol ay nagmumula kay Nanay. Ngunit, naglalaho din sa ika-3 months ng batam kaya kailangan magkaroon muli ng immunity upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng mga sakit. Ang pagpapabakuna ay isang paraan para makabuo muli ng panlaban sa sakit o resistensiya ang ating mga anak. Dahil habang lumalaki sila, mas dumadami ang taong nakakasalamuha nila, kaya mas maaaring tumaas ang posibilidad na mahawa sila sa iba't-ibang klaseng sakit. Bilang isang BakuNanay, layunin ko na magbigay impormasyon o kaalaman sa kapwa ko Nanay tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna upang mapanatili nating maayos ang lagay ng kalusugan ng ating mga anak. 𝑺𝒂𝒏𝒂 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒏𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒑𝒐𝒔𝒕 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒐!

Kahalagahan ng Bakuna
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

thanks for sharing mommy!