VACCINE ANXIETY : New Covid Vaccine
Hello mga nanay. Anxious din ba kayong mag pa vaccine kontra COVID? Ako, slight, lalo na kung di ko pa alam kung anong brand ng vaccine ang pwede or available para sa atin. May mom friend akong frontliner na nabakunahan na ng SINOVAC ... so far naman daw according sa kanya, okay lang. Wala daw siyang ibang naramdam pagkatapos niyang mabakunahan. Pangalawa, ang mother ko. Frontliner din kasi siya sa amin kaya lang ibang brand naman ang na distribute sa kanila. Yung ASTRAZENECA. According sa kanya, yung iba niyang mga kasamahang frontliner nakaranas daw ng chills at lagnat. Sa kanya naman ang naramdaman niya lang ay pangangalay ng buong katawan. Medyo nabahala at natakot naman ako doon kasi magkasama mismo kami nung araw na kakatapos lang niyang bakunahan. Dahil din doon mas nag cause sya ng anxiety sa akin. Pero manageable lang din naman. Ayaw ko kasing mag padala when I have thinking like this. I really try my best to kick off bad thoughts or troubled feelings away from me. Kayo ba mommies? Kung papipiliin kayo anong Covid-19 vaccine ang gusto niyo? #TeamBakuNanay #Covid19vaccine ##Vaccinations #1stimemom
frontliner momma