CS
Hi mga mumsh! Nka panganak na po ako nung October 1st via CS po. Cord coil kasi si baby ska di nag engage ang cervix ko. Para sa safety namin nag decide kami mag CSD. Today dapat ako ma discharge hinihintay lng namin na ma poop ako.... Yung problem ko is super sakit ng tagiliran ko mga mumsh. Di ako mka tagilid at mka tayo ng walang support ng partner ko. Gawa ba to ng opera ko? Bikini cut nga pala ginawang tahi sakin. Nka tanggal na yung suwero ko kagabi pa, kasi nga ma discharge na sana ako today. Binibigay lng na gamot is tablet na megenamic acid. Help po mga mommies ano kaya magawa ko? Nakita ko pa lng si baby twice. Di ko pa sya nahawakan. Super excited na ako. Pero kung sa lagay kong to na alaga-in pa ako pano ko pa sya mabuhat at alagaan.... Help po mga mommies. Please 😭😭😭
Dahan dahan lang po mami ang galaw. Gawa po yan ng opera. Sabi ni dra 24 hrs bawal gumalaw. Pero ako po nun 12hrs palang siguro pinilit ko na tumayo kahit sobrang sakit pa mg tahi ko kasi yun sabi ng nanay ko basta may binder pilitin ko na daw tumayo. Para daw hindi manglambot ang mga katawan due to anesthesia. Nagulat nga saakin dra ko dun kasi nakakaupo at nakakalakad na ako nung kinabukasan. (sml😅) Anyway, Laskasan niyo loob niya na sana gumaling at makagalaw galaw na po kayo🤗 Kahit po ako nun walang unang yakap. Talagang pinakita lang saakin si baby. At mga gabi na namin nakuha si baby. Pero ako kinabukasan ko pa siya totally nakita kasi bawal pa gumalaw mg 24 hrs after op. 5 mos turning 6 mos postpartum cs din po🤗🤗🤗 pag prapray po kita mamii❤️❤️❤️ Congrats po
Magbasa paYes mommy. Gawa po yan ng opera. Need nyo po talaga support everytime na gagalaw kayo pati pag banyo. CS mom here. 4mos postpartum.