Pagbubukod

Hello mga mumshies!! Sino na ang nakabukod sa inyo kahit kakastart nyo pa lng as married couples or live in partners and currently pregnant for the first time. Pashare naman ng experience nyo. Thanks po ##advicepls

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

7 months bago kami nakabukod kasi walang kasama si lola sa bahay. mas magaan sa pakiramdam. lalo ngayong buntis ako. wapa ako masyado naririnig na dapat ganito, dapat ganyan. nasstress kasi ako sa mga ganun. nabuntis din ako noong nandun kami kina lola pero sobrang stressed ko dahil na rin sa trabaho ko kaya siguro ako nakunan. ngayong nakabukod kami kahit mahirap financially, masarap sa pakiramdam kasi sa inyo na lang dalawang magasawa ang final say. wala na kinokorkula na kasama sa bahay. 😊. tsaka mas naging independent kami magasawa, mas natuto magbudget, tsaka mas komportable ngayon.

Magbasa pa

nakabukod kami ni hubby bago pa kami kinasal, then hanggang sa mabuntis ako. work from home naman sya noon dahil pandemic kaya may kasama ako sa bahay. however, na-CS ako nung nanganak ako so dun muna kami sa mother ko after ko manganak, hanggang sa gumaling na sugat ko. nakabukod na ulit kami, syempre mahirap sa una, pareho kami laging puyat. tapos di rin maiwasan ang mood swings, stress, at pressure to be a good parent. pero nakaya naman namin ni hubby. nakapag-adjust kami as new parents. 💕

Magbasa pa
TapFluencer

after po namin ma-engage ni exbf (now husband), kumuha po kami condo unit. nauna sya tumira sa unit after turnover. ako pagkatapos pa ng kasal kasi bawal samin ang live in. 5months married, 7weeks preggo. masaya kasi kami lang ang hari at reyna. nakakabangon sa weekend kung anong oras namin gusto. walang ibang mata na titingin kada kilos. nahihirapan lang kami hanggang ngayon sa pagtantya ng ulam. minsan sobrang dami 🤣 minsan bumibisita kami sa bahay ng families namin and vice versa.

Magbasa pa
TapFluencer

Kami po. May bahay po kasi sila sa Bicol na binigay ng parents ng partner ko sa ate niya at etong tinitirhan po namin ngayon dito sa San Juan, binigay na rin sa kanya ng parents niya. Nasa Spain po kasi both yung parents niya at sa kanila iniwan yung responsibilities sa bahay. Mas matanda kasi sa akin si partner ng 10 years at mas gusto namin parehong nakabukod simula nung nagsstart pa lang kami dahil gusto namin kami ang maghahandle sa buhay namin kapag ikinasal na kami soon.

Magbasa pa

kami po mi simula ng malaman ko na buntis na ako bumukod na kami,maa maigi ang nakabukod natututu kayong magsumikap na dalawa..walang makikialam sa diskarte nyo sa buhay,at higit sa lahat nabubudget nyo ang pera nyo sa kung saan lang sasapat..mahirap na masarap kase madami kayong matututunan pag nakabukod kayo sariling sikap,magtitiis sa kung anong meron lang kayo..nakakaproud kaya pag alam nyong nakakaya nyong dalawa at nakakaraos kayo na walang tulong ng ibang tao..

Magbasa pa

ngbukod kme agad on the night p lng after wedding, we both agreed dun. may nkaready n kmeng ttirhan kht renta p lng noon. not just for privacy, iwas n rn s anumang pwdng mging alitan between in-laws. kht kasi anong bait ng in-laws mo, darating at drating ang time na may mapupuna kayo sa isat isa na di maiiwasan kasi mgkasama kayo sa bahay. so better na ipreserve yung mgandang relationship nyo sa minsang pagbisita n lng s knila.

Magbasa pa

before po nung bago pa kami magpakasal ng mister ko, nakabili na kami ng sariling bahay, gusto kasi namin nakabukod na kami agad at matuto na mag sarili. buntis din ako ngayon and ok naman. minsan binibisita kami ng family ko to check kung ok kami. Since maselan ang pagbubuntis ko at bedrest lang lagi, lahat ng gawlaing bahay eh si mister gumagawa. Pati sa lahat ng check up sya ang kasama ko 😊

Magbasa pa
3y ago

nakakaproud naman, keep safe po sainyo

for me po mahirap na dapat kayanin, bukod po kami sa parents namin.Ayokong ayoko makishare or makitira sa mga parents namin kasi alam ko meron makikisawsaw at syempre di mawawala ang pag kontra nila. kaya mas maganda bukod. kaya nasbi ko na mahirap kasi lahat ng pag subok dapay pagda anan sa hirap man o ginhawa , don mo malalamn kung gaano ka katatag sa sarili at sa binuo mong pamilya yun lang thankyou❤️

Magbasa pa

after pandemic kami ng partner ko bumukod kami sa parents ko sa probinsya kasi parents niya.. mas on po kasi nakabukod..hehheh nagtatago kasi kami ng tatay ko about sa pang maayos ng bahay... ayaw ko kasi maalat at di nakaorganize mga gamit... Asaka iba kasi pag may bata maalat talaga bahay kaya susundan mo kalat ng anak no.. Asaka para matutu sa buhay.. 😊😊😊🙏🙏🙏🙏

Magbasa pa
VIP Member

me po mumshie gusto ko po Sana maka bukud ng sariling Bahay eh ayaw niya gusto niya kasi na makikitira lang kami sa Bahay ng kanyang magulang tsaka ng don po mga pamangkin niya nakakainis my nag Sabi kasi sakin na Hindi raw ako naka pag Linis eh pano nga ako mag Linis eh nag aalaga nga ako nang anak ko ligo lang Hindi na magawa Yan kasi dahilan Kung bakit diko gusto tumira don

Magbasa pa
3y ago

Hello, pareho po tayo 😭