Pagbubukod

Hello mga mumshies!! Sino na ang nakabukod sa inyo kahit kakastart nyo pa lng as married couples or live in partners and currently pregnant for the first time. Pashare naman ng experience nyo. Thanks po ##advicepls

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

In our case ng hubby ko, after namin malaman na preggo ako, nag insist yung isang relative niya (even parents niya) na dun kami tumira sa house ng relative since wala naman kasama ito sa buhay. Well, sa experience namin hindi naging maayos dahil may time na iniinvade yung privacy namin, required na sumabay sa kanya sa pagkain though ako naman yung nagluluto sa house, may time lang talaga na gusto ko kami lang ni hubby ang magsabay minsan dahil gusto ko magbond kami mag-asawa at makapag-usap since busy siya sa work and yun na lang ang oras namin para makapag me-time. Dumadating din sa point na nagtatampo siya kapag wala kaming dalang pagkain since nag dinner na kami sa labas ni hubby, need namin umuwi ng mas maaga dahil kailangan namin gawin ang responsibilities sa bahay. Sinusumbong niya kami sa parents ni hubby kapag may times na di kami nagpapaalam na umalis kahit sa grocery lang kami pupunta para mamili ng food supplies na para din naman sa lahat. Third trimester ko na, nakapagdecide na kami ni hubby na bumalik sa pag rent sa apartment dahil di na namin nakayanan yung issues na ginagawa ng relative niya sa amin -super toxic and hindi naging healthy ang outcome throughout my pregnancy, naging emotional ako and dumating sa point na sinaktan ko sarili dahil sa depression na naging cause sa akin. 32 weeks preggy na ako nung lumipat kami ng apartment ang nagkaroon ako ng inner peace and dun ko naramdaman yung pag cherish sa pregnancy ko, walang iisiping ibang tao, tanging iniisip ko lang at that time yung cravings ko. Best decision talaga for me!

Magbasa pa

ako po i just got married December and humiwalay na ako sa mommy ko which is malungkot and im living with my husband side pero mama lng pero hindi sia nangengelam sa plano pagkain and gastos..like bahala kayo magasawa ..so asual were both working work from home night shift ako, morning shift sia..i cooked everyday and hindi ko gawain sa before pero i know how to cook..ggising ako lunch for his lunch time..and gigising naman sa dinner if sipagin ako magluto dhil pagod ako..and sympre may love time and nabuntis ako pero hindi ko pa alam.. I’ve resign sa work dhil stress and nd ko kinaya dhil sobrang emotional ko un pla dyontis n..sumunod nwalan ng trabaho asawa ko dhil nagbawas ng tao so mga naipon namin pang bills and pangkain..nalaman ko buntis na ako 6 weeks..nagka work ako and finally morning shift 8am perfect for me..and less stress and work from home ulet..so i still cooked dinner everyday, lunch sila na bhla pero gsto n hubby luto ko kaya nappilitan me magluto..hahaha..hindi masarap magluto mama nia..and thats it happy wife complete meal with vitamins and may make love parin hehe..but we’re planning sa future ng sariling bahay malayo sa both sides..and ito lng mauna si baby sa tyan ko bago lht yan ..in Gods time..i’ve learned how to be a wife and a mother same time

Magbasa pa

As per my experience, bago kami bumukod ni hubby, naka pisan kami sa parents ko for 5yrs, medyo hirap dahil wala talaga kayong privacy and wala kayo nung quality time together as a family and yung intimacy between sa inyo ni hubby. Tsaka sa mga gastusin hindi mo rin masyado matrack kung nakakatipid kaba or what.. Pero after 5yrs na pagpisan kila parents ko, nag decide kami ni hubby na magpakasal at magpundar ng kahit isang studio type na lilipatan. Andun ang may sarili kaming kuntador ng ilaw at tubig, wala pa kaming sariling kwarto dahil nga open talaga sya as in andun na lahat pagbukas ng pinto.. Pero kahit na ganun lang yung napundar namin that time, masaya kami.. Oo mahirap, pero masarap sa feeling kase kayo nalang ni mister ang nagdedesisyon para sa buhay nyo, tapos wala kayong ibang isipin na baka masilip kayo sa mga gastusin or whatsoever.. Tulungan lang talaga sis.. Hanggang sa nag ipon ulit kami ni hubby para maipagawa yung bahay na naiwan sa kanya ng dadi nya, at eto andito na kami nakatira ngayon, may kwarto na kami, may masasabi na kaming bahay talaga namin.. Tiyaga lang sis, at palaging magpasalamat sa Panginoon.. Kayang kaya natin lahat ng to

Magbasa pa
VIP Member

Kami po ni hubby before pa kami kinasal, nakabukod na pero may kashare kami sa flat na di po namin family. Medyo unexpected po yung dating ni baby and ang plano talaga namin is magkasariling bahay muna bago bumuo family pero blessings talaga are unexpected hehehe. Medyo struggle nung first trimester ko kasi sobrang paglilihi ko di ako makakilos e im used to cleaning talaga the house. So medyo nabagsak lahat ng gawain kay daddy haha good thing di naman siya reklamador, lol altho minsan sa isip ko napapareklamo ako kasi di siya sing pulido ko maglinis haha pero di ko na lang vinovoice out at baka biglang tumigil LOL. Even until now yun ang struggle namin dahil medyo magulo ang bahay dahil di nga ako ang naglilinis preo other than that satisfying naman at good training ground para at least pagdating ni baby, marunong kami mag alaga ng kami lang. Altho planning yung mom ko na pumunta saglit with us para maalalayan ako sa pagalaga kasi first time mom here so medyo di ko pa alam ang tricks hehe. Keri niyo yan mamsh wag susuko

Magbasa pa

Kami mamsh. We got married last March Lang and I'm currently 22 weeks pregnant. Pero prior to that naman, I'm already renting malapit sa bahay nila and dun na sya sakin natutulog so technically speaking we have been living together for a year na din before we decided to get married. But the situation now is a bit different at mas feel namen na mag-asawa kmi. We acquired this pasalo asset thru pag-ibig 2 months ago in a small subdivision. Now mejo mas tight ang budget kasi nga mas lumaki expenses. Tipong you're living paycheck to paycheck. We're both private school teachers so di kalakihan ang sweldo. Plan Palang magpublic since pareho naman kming licensed. Siguro I'm speaking up kasi day by day, naffeel ko Yung takot na baka we wouldn't be able to give the best to our child if our situation continues. Once you are about to bring out another life to this world, everything changes tlga. Ang daming what ifs. Mahirap ang nagsisimula pa Lang mamsh. Pero kakayanin naten. Tiwala Lang.

Magbasa pa

Hello, Pa advise po, nakikitira lang po kame ngayun sa magulang ng asawa ko(LALAKE) and tuwing sinasabe ko po sa asawa ko na gusto ko na bumukod sya ay nagagalit, ayaw nya bumukod dahil mas nakakatipid sya dito sa magulang nya at mas nakakaginhawa sa gawain bahay, pero ayoki na po dito dahil masyado ma control ang nanay nya(byenan) nakakasakal na, hindi nya alam dahil lagi sya nasa trabaho kaya hindi nya alam kung paano ako itrato ng nanay nya dito, at tuwing sinasabe ko din kung paano ako itrato ng nanay mya sya po ay galit na galit din saken at sinasabihan ako ng pag iinarte, wala na po ako pamilya na babalilan o uuwian, wala din po ako income para makalayas dito at maka bukod kasama ng 1year old baby ko, at ang sabe ng asawa ko kung gusto ko daw lumayas dito mag hanap ako ng trabaho, per paano po mag kakaroon ng trabaho wala mag aalaga sa anak ko 😭😭😭 #PleaseHelp

Magbasa pa

kami po nakatira dito sa bahay ng byenan kong lalake.nauna kami ikasal sa kapatid ng asawa ko,kapisan namin ung ate nya at tatay nya,ung byenan ko naman babae nasa cavite,dun na sya nakatira.pasalamat ako at ung byenan kong babae ang hindi ko kapisan sa bahay..sya kasi ung toxic kasama sa bahay.ung byenan kong lalake at hipag ko eh mabait naman sila..hanggang sa nakapag asawa narin ung hipag ko,sa cavite narin sila nakatira ngayon..ung byenan ko nalang lalake ang kasama namin dito sa bahay..ibinigay na ng byenan kong lalake itong bahay sa amin.kaya magaan ang pakiramdam ko kasi wala nagcocontrol sken..buti nalang talaga sa cavite nakatira ung byenan kong babae..ung 3months na nga lang na nagstay kami sa cavite na kasama sya kasi nagpasama sya smen, hindi ko nagustuhan.kaya kaaway ko na sya ngayon..mahirap talaga pag kasama byenan lalo pag babae.

Magbasa pa

kami nakabukod ng partner ko, kasama ko din ang mama ko dto sa bahay namin, since buntis ako ngayon at mjo maselan din ang condition ko c mama lahat ang gumagawa sa bahay, wala kc ang lip ko dto ngayon ofw e,ok naman kami na nakabukod kaso dahil kasama ko nga c mama mjo masakit sa ulo lalo na pagbubgudget kc lahat pinapakelaman nya, d ko sinasabing pakilamera sya,pero d ako makakilos ng diskarte ko sa totoo lang😔parang d rin kmi nakabukod ng partner ko kahit bahay namin to, kc pag d ko sundin c mama maggalit pag sundin mo magagalit sasabhin pa sakin na "para daw syang robot tau tauhan sa bahay" hindi ko tuloi alam pano ako matututo ng sa experience ko lang,and ang nakakalungkot na part pa lagi nya kming kinukumpara sa nangyare sa knila ng papa ko,w/c is malayong mangyare 😔😔

Magbasa pa

nakabukod na kami ng LIP ko, nagrerent ng small apartment. di kasi nya kasundo ang family ko, kaya kahit mahirap para sakin dahil malayo sa work ko ang bahay namin ngayon, nagtitiis ako para sa binubuo naming pamilya. nakakapanibago lang nung una dahil napipilitan talaga akong gumawa ng mga gawaing bahay, at nakaka stress din magbudget. pero dapat talaga bumukod na kami para matuto kami sa mga responsibilidad. ang maganda lang pag nakabukod ay walang ibang tao na papakisamahan, magagawa kahit anong gusto mo at mag gogrow ka talaga. sana lang maging maayos na ang kung anuman ang family problem namin para kahit nakabukod na kami, happy life pa din.

Magbasa pa

Masaya kase magagawa mo lahat ng gusto mo,humilata ka magdamag dyan may peace of mind ka at mas ma mamanage mo ang buhay at bahay nyo. Sila pa mahihiyang tambayan ng tambayan ang bahay nyo lalo na kung nakikita nila na maayos at malinis ang gamit nyo. Sa expenses naman mahihiya silang umasa ng hingi sa partner mo since nakikita nila na madami kayong naka bukod na bills. Kaya sa mga new married couple pagusapan nyo paano papatakbuhin ang pamilya nyo di pwedeng nagpapa talo kayo sa mga sinasabi ng ibang relatives nyo. Hayaan nyo sila mag suggest pero may sarili dapat kayo desisyong 2. Ganon lang para wala din sila masyado sinasabi

Magbasa pa